Ilang panahon na ring pabalik-balik ng bansa si Jacky, at nagkaron na siya ng co-production venture sa ilan nating mga actor/producers gaya nina Robin Padilla (Alab ng Lahi) at Cesar Montano (Panaghoy Sa Suba), hindi masasabi na naging mabunga ang kanilang pagsasama. Kung sakali baka bumalik lamang ang kanyang sosyo (sana nga!).
Sa kabila nito, hindi nagsasawa ang Hapones na bumalik dito at muling subukang magnegosyo rito. Sa kasalukuyan ay may isa siyang pelikula na ginagawa rito sa direksyon ni Edgardo Boy Vinarao, tungkol sa isang Shogun fighter.
May mga eksena na kinunan sa Japan at ang ilang araw na pagtatrabaho dun ay gumastos na ito ng mahigit na P6M. Dito tatapusin ang movie na magtatampok din ng ilang local talents sa major roles.
Samantala, malapit nang ipalabas dito ang ginawa niyang Shaolin vs. Evil Dead, isang kungfu horror comedy na nagtatampok din sa Hongkong cinema legend na si Gordon Liu (Kill Bill 1, 2, Evil Master), Kit Cheung, Louis Fan Shi Xiao-Hu, Shannon Yoh sa direksyon ni Douglas King.
Ang pelikula ay naimbitahan para maipalabas sa Brussels Intl. Festival of Fantasy, Thriller & Science Fiction Films sa Brussels na nagsimula kahapon, Marso 11 hanggang 26.
Matapos niyang gawin ang Bahay ni Lola na sinundan ng Singsing Ni Lola, topliner na naman siya sa Bahay Ni Lola 2 na hindi naman sequel ng mga naunang movies kundi isang bagong pelikula na ni-retain lamang ang titulo ng naunang Lola dahil nag-hit ang mga ito.
Kung sa unang Bahay ay isa siyang kaluluwa na bumalik para protektahan ang kanyang mga apo, sa ikalawa ay isa siyang naniniwala sa feng shui na itinaboy sa kanyang tahanan ng mga masasamang ispiritu kaya ipinagbili niya ang bahay niya sa mag-asawa na ginagampanan nina Dingdong Dantes at Karylle. Siya ang kinokontak ni Karylle kapag ginugulo ito ng mga masasamang ispiritu.
Tampok sa pelikula ang mga milagro ng Birhen ng Manaoag sa direksyon ng Marian devotee na si Ben Yalung sa ilalim ng sarili niyang produksyon, ang Cine Suerte.