Di na gimik yung relasyon ng TV executive at ng alaga niyang aktor

Nalaman namin na nairita pala ang mga executive ng ABC 5 sa ABS-CBN nu’ng pinag-resign nila si Aiai delas Alas sa Sing-Galing tapos hindi naman pala binigyan ng kapalit na show.

"Ah, talaga, nakaka-touch naman, sinong nagsabi n’yan?" sabi ng komedyante nang malaman ang tungkol dito. Nakarating na rin sa kaalaman ni Aiai na nawawala na ang Sing-Galing ni Pops.

Bakit hindi uli kunin ng Singko si Aiai tutal hindi naman exclusive ang kontrata niya sa Dos dahil ang alam namin ay per project na lang siya at pagsamahin sila ni Joey de Leon para buhayin ang Sing-Galing? In fairness, mataas ang rating ng Sing Galing nu’ng sina Aiai at Allan K ang hosts.

"Ganyan, okey ‘yang suggestion mo, friendship," natawang sagot sa amin ni Ms. Ai.
* * *
Balik tambalan sina Diether Ocampo at Claudine Barretto para sa bagong soap drama na may titulong Dahil Sa Isang Bulaklak, ‘yan ay kung hindi babaguhin.

Matatandaang hindi matatawaran ang tambalang Diet at Claudine kasama pa ang namayapang aktor na si Rico Yan sa soap dramang Mula sa Puso na naging pelikula at super blockbuster ito.
* * *
Nalolokang ikinukwento sa amin ng isa sa cast ng programang nag-taping sa isang island ang tungkol sa isang gay executive at ang paborito niyang talent na magkasama raw sa iisang kwarto samantalang ang lahat daw ay binigyan ng sari-sariling kuwarto pati ang isa ring talent na paborito rin ng naturang gay executive.

"Nu’ng nababasa ko lang sa write-up ang tungkol sa kanila, akala ko tsismis lang, kasi ganu’n naman talaga, di ba, puro tsismis, e, naloka kaming mga nakakita, kaswal lang na nakikita silang magkasama sa iisang kwarto at dedma na kami. ‘Yung mga staff, parang alam na nilang lahat kasi sanay na sila, e, siyempre kami, bago lang namin silang ka-trabaho," detalyadong sabi sa amin.

Ayaw na naming banggitin ang identity nang dalawang bida sa kwento at kung anong programa dahil obvious naman kung sino sila at kung anong programa sa kilalang network ang may out of town taping para sa summer special nila.

Nalulungkot naman kami sa pilot episode ng sitcom na Quizon Avenue last Saturday dahil natalo pa rin ito ng Bitoy Funniest Videos sa rating na 24.4% over 33.5%.

Buong pamilya Quizon na ang kasama ni Mang Dolphy sa bago niyang programa, pero tila hindi pa rin ito nakatulong dahil say ng mga nanood, "Walang improvement, ganu’n pa rin". — Reggee Bonoan

Show comments