Ayon sa friend ko, don na namumugad ang mga nagbebenta ng mga piratang VCD, DVD and CD at maging ng fake computer software.
Naku OMB Chairman Edu Mazano, pa-check mo sa mga OMB personnel ang mall na ayokong pangalanan dahil baka mag-react.
Basta, malapit lang siya sa may Meralco Avenue in Pasig.
Isa pa palang pinamumugaran na naman ay ang 3rd floor ng Shoppesville. Doon pala naglipatan ang mga nagbebenta nang magsara ang Virra Mall for renovation.
Hindi na rin nami-mention ni Jacky ang investment niya sa nasabing pelikula ni Cesar at parang hindi yata sila na-recognize sa nasabing pelikula na ngayon ay naghahakot ng awards.
Actually, hindi ito ang unang pagkakataon na hindi na-recognize ang pagiging co-producer ni Jacky Woo.
Hindi rin maganda ang kinalabasan ng partnership nila ni Robin Padilla sa pelikulang Alab Ng Lahi na entry last year sa Manila Film Festival.
Malaki rin umano ang investment ni Jacky Woo sa nasabing pelikula pero hindi rin na-mention na co-producer siya ng pelikula. Na-concentrate ang promo sa kay Robin na nangyari rin sa kaso ng Panaghoy sa Suba.
Pero ayaw magsalita ni Jacky Woo sa mga nangyari. Ang ilang concerned friends lang niya ang nagsasabi na malaki na ang nagastos nito sa pagko-co-produce na wala namang nangyayari.
Kung sabagay, sobrang yaman pala si Jacky Woo sa Japan. Siya ang may hawak ng Formula 1 at marami siyang pag-aaring building sa bansa ng mga sakang. As in siya ang franchise holder ng F1
Mismong si Direk Boy Vinarao, director ng bagong movie ni Jacky Woo na walang co-producer ng actor, Kaze, ang nagsabi kung gaano kayaman si Jacky Woo sa Japan nang mag-shooting sila doon last December.
"Saka sikat na aktres sa Japan ang asawa niya. Hindi ko lang ma-recall ang name. Pero sikat siyang aktres sa Japan," sabi ni Direk na matagal ding nabakante sa pagdi-direk ng pelikula dahil sa tumal nga ng pelikula.
Anyway, isa lang ang pelikula nila sa maraming project na naka-line up gawin ni Jacky Woo sa bansa.
In the first place, marami naman siyang money na pang-invest sa pelikula. Kaya dapat pasalamatan natin si Jacky Woo na nagbibigay ng trabaho sa marami nating jobless na manggagawa ng industriya ng pelikula sa ating bansa.
By the way, showing sa bansa ang Shaolin vs Evil Dead next week.
Walang naging effect ang pagtatanggol ni Melissa Mendez sa kanyang pinsan kasi nga korte na ang may-say sa nasabing kaso.
Wala naman gaanong pelikula. Except sa Birhen ng Manaoag na hindi nabigyan ng rebate ng Cinema Evaluation Board. Hindi raw kasi talaga puwedeng mabigyan ng rebate.
Ayon sa isang source, magulo ang story at maging ang direksyon. Maging ang mga artista raw ng movie ay confused sa kanilang mga character.
May mga sinabi pa ang source about the movie pero wa na lang ako write.
Basta panoorin nyo na lang sa mga sinehan dahil palabas na ito sa kasalukuyan.
So watch ako. True enough. Ang ganda ng lugar. Kahit inaantok na ako watch pa rin. Kasi nga may isang Dutch na magaling mag-Tagalog.
True. Nang mapanood ko siya. Very Pilipino siya. Kasi pala pabalik-balik siya ng bansa dahil nagwo-work siya for KLM Airlines.
Ang ganda ng house niya, lahat Pilipino paintings at ang concept ng house very Pilipino kahit na nga pure Dutch siya.
Buti pa nga siya, hindi Pilipino pero nagpipilit siyang mag-Tagalog. Samantalang ang iba nating kababayan, Pilipinong-Pilipino nga, nagpipilit namang mag-English.