Selosa si Roxanne
March 9, 2005 | 12:00am
Selosa pala si Roxanne Guinoo na inili-link kay Joross Gamboa.
"Sinong di magseselos, super yakap at halik ka sa kasama mong babae sa picture," sabi ni Roxanne kay Joross na namumula nung birthday ni Direk Laurenti Dyogi.
"Smack kiss lang yon at hindi super halik," tanggol sa sarili ni Joross. Muntik tuloy mapaiyak si Roxanne nung tuksuhin ng mga kaibigan sa pagiging ma-chiks ng nababalitang boyfriend niya.
Maging kay Nerissa Naig ay tinutukso rin si Joross. Tigas namang tanggi ni Nerissa. Hindi raw niya pinangarap na mang-ahas ng boyfriend ng may boyfriend.
Noong nagsu-swimming si Joross ay may nagsabi kay Roxanne na alisin ang nakatakip sa kanya ng towel. Masagwa raw halatang mahal na mahal ni Joross si Roxanne dahil hindi niya ito hinihiwalayan sa pool hanggang umahon sila.
"Gusto kong makaganti naman sa mga bata. Ako ang kontrabida sa buhay nila nung sinusubukan pa lang sila," sabi ni Direk Dyogi na isa sa mga hurado noon sa Star Circle Quest na nagpahirap kila Joross. Vir Gonzales

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am