Jean, ayaw ng nanay ni Gardo; Gardo ayaw ng anak ni Jean

Sa mga nakakakita, ideal ang relasyon nina Jean Garcia at Gardo Versoza na nagsimula sa set ng It Might Be You. Marami nga sa nakakakita sa aktres ang naniniwala na sobrang in love ito sa aktor na hindi naman niya itinatanggi. Pero, sinabi niyang hindi nila pinag-uusapan ang kasal. "Gusto muna naming i-enjoy ang aming relasyon," aniya sa presscon ng Birhen ng Manaoag na ipalalabas ngayong Marso 9, mula sa nagbabalik na Cine Suerte at Ben M7 Yalung.

Pero, isang mapagkakatiwalaang source ang nagbulong sa akin na hindi smooth sailing ang relasyon ng dalawa. Una, hindi raw gusto ng nanay ni Gardo si Jean. Pero, hindi nito hawak ang monopolya sa hindi pagsang-ayon sa relasyon ng dalawa dahil hindi rin naman daw boto ang anak ni Jean na si Jennica kay Gardo. Katunayan, kung ang dalagita ang masusunod ay mas gusto niyang makipag-balikan si Jean sa kanyang stepfather na Japanese.

Ang ina naman ni Gardo ay minsan na raw nakapagsalita na umuwi na lamang si Jean ng kanyang bahay at alagaan ang kanyang dalawang anak sa halip na magbabad ito sa piling ni Gardo kapag nakakatapos ng kanyang taping.
* * *
Isa na ring myembro si Jacque Esteves ng Sexbomb ng SOP Gigsters. Pormal na silang ipinakilala sa media nung Linggo ng tanghali.

Isa si Jacque sa Sexbomb na bukod sa magaling na dancer ay isa pa ring singer. Katunayan ay may lumabas na itong self-titled album last year.

Seventeen years old lamang si Jacque kaya hindi kahiya-hiyang maisama sa SOP Gigsters na maraming mga kabataan ang nagpi-perform.

Sa Hawaii isinilang si Jacque. Dun nag-member siya ng drama group. Idols niya sina Britney at Mariah. Nagbakasyon lamang sila rito sa Pilipinas nung 10 years old siya pero, bigla, nag-decide ang mom niya na dito na sila mag-stay, dun sa Cebu na kung saan ay nagsimula siyang mag-try ng showbiz. Ayaw ng father niya na manager ng McDonald’s sa Hawaii na mag-artista siya pero sa katagalan ay nakumbinsi rin ito ng kanyang ina.

Napanood na ang lifestory niya sa Magpakailanman at marami ang nagsabi na marunong din siyang umarte. Magandang karagdagan ito sa talent niya ng pagsayaw at pagkanta.

Sa ngayon, bukod sa SOP Gigsters ay kasama rin siya sa Darna sa GMA7 na malapit nang mapanood.

Dati ay umuuwi pa siya ng Cebu pero agad ding bumabalik dahil marami pa siyang dapat gawin. Sa airport na nga lamang siya nakakapag-sepilyo ng ngipin. Ngayon ay sa Mandaluyong na siya umuuwi, kasama ang manager niyang si Joy Cansio.

Enjoy si Jacque sa kanyang trabaho. Kahit nung hirap siyang magpabalik-balik from Manila To Cebu ay wala siyang reklamo. Tini-treasure niya yung memory nang mag-birthday siya at iselebrayt ito sa SOP. "Touched na touched talaga ako. Kaya nagsimba agad ako. While I was praying, may lumapit sa aking isang tao, hindi fan dahil hindi pa niya ako kilala. Nagkwentuhan kami and afterwards she gave me a book na nagbigay sa akin ng bagong outlook sa buhay," sabi niya.

When asked to comment on her other sisters sa Sexbomb na umaalis, sinabi niyang masaya siya sa Sexbomb. At wala sa isip niya ang humiwalay dito.

Show comments