Ang Kapuri-puring Pelikula ng Taon ay napunta sa Panaghoy Sa Suba at ang Kapuri-puring Direktor ay nakamit ni Cesar Montano ng nanalong pelikula. Tabla sina Nora Aunor (Naglalayag) at Vilma Santos (Mano Po 3) sa Kapuri-puring Aktres at tabla rin sina Lotlot de Leon (Feng Shui) at Rebecca Lusterio (Panaghoy Sa Suba) sa Pangalawang Kapuri-puring Aktres.
Si Yul Servo ang nagkamit ng Kapuri-puring Aktor para sa Naglalayag at para sa Ikalawang Kapuri-puring Aktor ay napanalunan ni Dennis Trillo para sa Aishite Imasu. Kapuri-Puring Sinematograpiya ay napunta sa Minsan Pa at sa Kapuri-puring Editing ay nakamit ng Feng Shui.
Mayroon din silang natatanging parangal para sa Gantimpalang Romeo Flaviano I. Lirio para sa Katangi-tanging Pagganap na ibinigay kay Judy Ann Santos sa pelikulang Sabel. Nakamit ni Joel Lamangan ang Jury Award, Kapuri-puring Sinehan ay ipinagkaloob sa Robinsons Movieworld, Kapuri-puring Prodyuser ay ipinagkaloob sa Star Cinema, Inc., ang Natatanging Tanglaw ng Pelikulang Pilipino ay iginawad kay Lily Monteverde at ang Gantimpalang Mag-aaral para sa Katangi-tanging Pelikula ay nakamit ng Panaghoy Sa Suba.
Ang mga propesor na mula sa ibat ibang unibersidad na bumubuo ng Gawad Tanglaw ay kinabibilangan ng mga sumusunod: MdM Lourdes G. Aguilar (M.A.), Mr. Jaime G. Ang (D.E.M.), Mdm Heidi C. Atanacio (M.A.), Mdm Gertrudes P. Dapia (Ed. D.), Mdm Helen E. Golloso (M.A.), Mr. Isoceles Marasigan (M.A.), Md Yolanda A. Lingat (M.A.), Mr. Romeo Flaviano I. Lirio (Ph. D.), Mdm Gina S. Luna (M.A.), Mr. Mario S. Miclat, Mr. Ulysees S. Romero (M.A.), Mr. Hipolito S. Ruzol (M.A.) at Mr. Winton Lou G. Ynion (M.A. Ed.). Alex Datu