Pansamantalang isinara ni Ara ang kanyang restoran nung nakaraang Disyembre para ipa-renovate na inabot ng mahigit dalawang buwan. Nung Marso 3 ay muli itong binuksan sa publiko.
Kung dati-ratiy pawang mga Italian food lamang ang makakain sa Osteria, ngayon ay marami nang choices na mapagpipilian sa naturang resto/bar.
Bukod sa Osteria resto-bar ni Ara, may bubuksan din siyang bagong food toppings sa may Katipunan sa Quezon City, ang Bubble Gang Toppings kung saan niya mga kasosyo sina Michael V., Ogie Alcasid, Wendell Ramos, Antonio Aquitania at Boy2 Quizon. Itoy nakatakdang magbukas ngayong Abril. Nagtayo rin si Ara ng sarili niyang talent agency business, ang Posh Models na siyang nagpu-provide ng mga model talents for print at TV commercials. Mago-organize din ang kanyang kumpanya ng events. Aminado si Ara na talagang nakatutok siya ngayon sa kanyang mga negosyo dahil ito ang kanyang sasandalan pagdating ng araw na hindi na siya gaanong abala sa showbiz.
Samantala, inamin sa amin ni Ara na naka-recover na siya sa break-up nila ng kanyang ex-boyfriend na si Jomari Yllana na anim na buwan na ang nakakaraan. Although nagi-entertain siya ngayon ng mga bagong manliligaw, hindi pa raw siya handang umibig muli.
Magtatapos na sa buwang ito ang Mulawin pero nariyan pa rin ang Bubble Gang. In-demand din si Ara sa mga singing at personal appearances.
Nung nakaraang August ay ang Show Philippines din ni Annabelle ang nagbigay ng dalawang sold-out concert ni Gary Valenciano sa London at sa Italy.
Balak din ng Show Philippines dalhin doon sa magkakahiwalay na concerts sina Sharon Cuneta, Pops Fernandez at Regine Velasquez.
Sa edad na 20, pwedeng mapagkamalang 16 o 17 lamang si Jorell na bagets pa rin ang hitsura hanggang ngayon. Ayon sa binata, 17 pa lamang siya ay gusto na niyang mag-showbiz pero gusto ng kanyang mga magulang na tapusin muna nito ang kanyang pag-aaral. Mahilig si Jorell kumanta, sumayaw at sa acting at nakatakda na siyang sumailalim ng voice lessons at acting workshop ngayong summer.
Malapit nang ipalabas ang unang TV commercial ni Jorell kung saan siya ang kapareha ng singer-actress-TV host na si Toni Gonzaga para sa Careline Cosmetics.