Pops & Regine, ‘di nagsapawan

Hindi mahulugang-karayom ang Ultra sa rami ng taong dumagsa sa two-night concert nina Pops Fernandez at Regine Velasquez na pinamagatang Queens... On Fire nung nakaraang February 11 at 12 na produced ng Star Media ni Ana Puno.

Since parehong fashion icons sina Pops at Regine, hindi lamang ang husay sa pagkanta at pagsayaw ang ipinakita ng dalawa kundi lalo na sa mga kasuotan nila sa kanilang two-night concerts na magkakahiwalay na ginawa nina Rajo Laurel, Maxi Cinco at Pepsi Guerrero.

Ang maganda kina Pops at Regine, walang sapawang nangyari.  Piling-pili ang mga songs na kanilang kinanta maging ang kanilang mga production numbers.  Tama ang sinabi ni Pops  during the presscon ng kanilang concert ni Regine  na magkaiba talaga ang style nila ni Regine bilang singer-performer. Si Regine ay kilala sa pagiging belter at pag-awit ng mga ballads at love songs habang si Pops naman ay effective sa mga dance tunes.
* * *
May gusto lang kaming i-correct kay Regine sa kanyang spiel during the concert na si Pops daw ang naka-discover sa kanya. Nakalimutan marahil ni Regine na sa OctoArts siya nagsimula tulad din ni Pops.  Nauna lamang ng kaunti si Pops kay Regine pero nagkasama sila sa OctoArts.  Katunayan, pinu-promote noon ni Regine ang kanyang unang single sa OctoArts na pinamagatang "Love Me Again" (na ni-revive din ni Jamie Rivera) sa Penthouse Live kung saan sina Pops at Martin Nievera ang mga hosts at kung saan naman si Ronnie Henares ang executive producer.  Chona Velasquez pa noon ang pangalan na ginagamit ni Regine na nagsimula pa sa kanyang pagiging champion ng Bagong Kampeon.  Naging close sina Pops at Regine noon dahil nga magkasama sila sa bakuran noon ng OctoArts.  And in fairness kay Pops, naging very supportive ito kay Regine lalo pa’t nagsisimula pa lamang ito noon  sa entertainment scene. 

Nanghinayang lang kami na wala sa bansa si Martin kaya hindi niya napanood ang kauna-unahang major back-to back concert nina Pops at Regine sa Pilipinas. 

Nawala man ang Victim show ni Carlos Agassi, meron naman siyang dalawang bagong programa sa ABS-CBN, ang reality-based program na Kaya Mo Ba ’To kung saan niya makakasama sina Chokoleit, Ella V, Kitkat at J.E. Sison.  Nariyan din ang Bora kung saan naman niya mga kabituin ang kanyang mga kasamahan sa Hunks na sina Piolo Pascual, Diether Ocampo, Jericho Rosales at Bernard Palanca. 
* * *
Sa rami ng sitcom ng ABS-CBN, tanging ang Ok Fine nina Aga Muhlach, Bayani Agbayani at Edu Manzano na lamang ang natira pero nagkaroon na rin ito ng mga pagbabago.  Nadagdag sa programa sina John Estrada, Juliana Palermo at ang mga bagong teen idols na sina Aaron at Erich.

Show comments