Naiibang b-day ni Richard

Bilang pasasalamat sa mga magmamahal sa kanya at sa komunidad, nagkaroon si Richard Gutierrez ng ispesyal na birthday celebration sa piling ng mga juvenile cancer patients, mga batang may ibang malubhang sakit, mga babaeng may cervical cancer. Nakisalamuha, nakipag-usap at nakipaglaro si Richard sa mga bata sa temporary shelter na iyon noong ika-8 ng Pebrero. Binigyan niya ang bawat isa sa kanila ng pagkain at inumin at naglaan siya ng panahon para sa bawat bata doon.

Nandoon din si Angel Locsin sa shelter upang suportahan ni Richard at makisalamuha sa mga bata. Napaiyak nga siya noong makita niya kung paano nagdurusa ang mga bata sa kanilang karamdaman at niyakap niya sila isa-isa.

Show comments