^

PSN Showbiz

Richard/Angel iniwan ng milya-milya sina Piolo/Bea !

SUNTOK SA BUWNA - Emy Abuan Bautista -
Excited na akong malaman noong opening day kung alin sa dalawang pelikula - ang Let The Love Begin o Dreamboy, ang kumita sa takilya. Kaya nagtanong ako sa booker tungkol sa gross ng dalawang pelikula sa first at second screening at malayo ang agwat nila.

Sa malalaking mall sa first screening ay nakakuha ang Let The Love Begin ng P22,000 samantalang P6,000 naman ang Dreamboy; sa second screening (4PM) sa tatlong malalaking sinehan (1st mall) - Let The Love Begin P58,000 at P19,000 sa Dreamboy; (2nd Mall) P176,000 (Let The Love) at P36,000 (Dreamboy) (3rd Mall) P147,000 ang Let The Love Begin) at P53,000 lang ang sa Dreamboy.

Ayon pa sa nakausap naming impormante, malabo nang makahabol ang Dreamboy sa Let The Love Begin.

May ilang dahilan kung bakit mas tinanggap ang tambalan nina Angel at Richard. Una, may following na kasi ang dalawa dahil sa kanilang Mulawin. Ikalawa, sa halip na maapektuhan ay nakatulong pa yata ang ingay na nalikha sa gulong nangyari sa birthday ng aktor. Ikatlo kumpara kay Bea Alonzo, mas may ingay ngayon si Angel dahil sa Darna role.

Sa kabilang banda, experimental lang naman ang tambalan nina Piolo Pascual at Bea. May nag-feedback pa na kung si Judy Ann Santos pa ang naging kapareha nito ay mas magiging maganda ang labanan ng dalawang pelikula sa takilya. Pero parehong maganda ang movie at may kilig factor naman ang tambalan nila.
Angel, May Offer Maging Recording Artist
Dahil sa kasikatan ni Angel Locsin inoperan ito ng isang sikat na recording company para mag-record.

Kapag natuloy ang negosasyon, magiging kumpleto na ang career ni Angel. Bukod sa pagiging artista ay pangarap din ni Angel na maging recording artist.
Mga Loveless Sa Valentine’s Day
Bukas ay Araw ng mga Puso kaya ilan sa mga celebrities na walang ka-date ay ang mga sumusunod:

Ara Mina
– Maraming gustong makipag-date pero, ayaw niya. Sa halip ay sasama ito sa mga kaibigan na manood ng concert.

Rica Peralejo
– Baka iselebrayt na lang nito ang araw sa piling ng pamilya o kaibigan.

Dennis Trillo
– Manonood ng sine kasama ang mga kaibigan.

Nadine Samonte
– Naghahanap pa rin ng ka-date dahil walang nobyo.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

ARA MINA

BEA ALONZO

DENNIS TRILLO

DREAMBOY

JUDY ANN SANTOS

LET THE LOVE

LET THE LOVE BEGIN

MAY OFFER MAGING RECORDING ARTIST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with