^

PSN Showbiz

Sinong mag-aakala na aabot ng walong taon ang pang-hatinggabing programa ni Kuya Germs?

- Veronica R. Samio -
Nung simulan ni German "Kuya Germs" Moreno ang programang Master Showman Presents ng GMA7 sa oras na tulog na ang mga tao, marami ang nalungkot. Lalo na yung mga tagahanga niya at mga tagasubaybay ng mga matatagumpay na programa niya sa Siete –GMA Supershow, That’s Entertainment, Good Morning Showbiz at marami pang iba. Wala kasing tiyak na oras ang kanyang palabas, papasok lamang siya kapag tapos na ang pinaka-huling programa ng network. Pinakamalaking bentahe na lamang niya ang kawalan ng mga kalabang programa.

The latest program of ABS CBN was Martin Nievera’s late show, pero, mas maaga pa ring maituturing ang airing nito.

Yung Master Showman Presents ay pumapasok sa ere ng hatinggabi o kaya ay lampas na ng hatinggabi.

Oktubre pa yun ng taong 1997. Walong mahahabang taon na ang nakararaan na minsan man ay hindi kinapos ng maigi-guest si Kuya Germs. Kahit alas dos ng umaga dumarating ang mga artista. Ni minsan ay hindi rin nawalan ng live audience ang programa, sa Broadway Centrum man o sa dating maliit na istudyo sa lumang gusali ng GMA.

Ito ang dahilan kung bakit nabigyan ng titulong Walang Tulugan ang show. Yung dating patay na oras sa local TV na kung saan ay lumilipat ng cable channel ang manonood ay nagkaroon muli ng buhay, nagising ang mga manonood. Sa pamamagitan ng Master Showman Presents, nagawang maiatras ang primetime TV programming to half past midnight. Kung napapansin n’yo ang mga malalaking programa ng dalawang higanteng istasyon sa telebisyon ay lumalampas na ng alas dose ng gabi ang pagpapalabas.

Now, on its 8th year, para sa kapakanan hindi lamang ng mga trabahador sa produksyon ng Master Showman Presents kundi maging sa maraming guest, itini-tape na ang show dalawang beses isang buwan. Taped as live ito, sinisimulan ng mga alas siete ng gabi at natatapos mga ilang minuto bago ang airing nito sa alas onse. Habang ipinalalabas ito ay tini-tape naman ang magiging palabas sa susunod na linggo.

Okay naman ang ganitong areglo kay Kuya Germs na matagal na ring inaawitan ng mga kalabang network pero, piniling manatili sa GMA 7 dahilan sa tinatawag niyang loyalty.

"Bakit naman ako aalis pa eh di naman ako pinababayaan ng GMA. At maayos na ako rito. Dito na ako nagkapangalan. Kaya, bakit pa ako aalis?" katwiran ng itinuturing na Master Showman pagdating sa mga musical variety shows.
* * *
Akala ko foreign actor si Matthew Hunt na lumalabas sa local films. Hindi pala. Isa pala siyang FilAm who was born and raised here in the Philippines, anak ng isang Amerikanong ina at isang Pilipinong ama. Ang buong pangalan niya ay Matthew Huntington Bernardo. Marunong siyang mag-Tagalog pero, bihasa rin siya sa lengwahe ng kanyang ina.

Maraming trabaho si Matthew bukod sa pagiging artista niya. Isa siyang light and sounds production specialist. Nakalabas na siya sa mga pelikulang lokal –Markova Comfort Gay– at sa mga international movies na Brokedown Palace at Noriega at ang Japanese horror movie na Cruel Stone. Gumagawa siya ng isa pang international movie sa Subic nang may magsabi sa kanya na naghahanap ang Cine Suerte ng isang aktor –tall, foreigner-looking at may long hair. Sa Maynila na lamang niya nalaman, nang mag-audition siya, na role ni Jesus Christ ang gagampanan niya.

Mahalaga ang Birhen ng Manaoag kay Matthew dahil wholesome movies lamang ang ginagawa niya. Marami siyang offers na bold roles pero hindi niya tinanggap.

"Sabi ko sa kanila, hindi ako nag-artista dahil sa pera but for the love of art. Ayaw kong masira ang reputasyon ko sa paglabas sa mga unwholesome movies," anang Liberal Arts graduate from a university in the US.

Birhen ng Manaoag
also stars Eddie Garcia, Albert Martinez, Joyce Jimenez, Cherry Pie Picache, Jean Garcia, Ella Guevara, Jodi Stamaria, Marco Alcaraz at ipinakikilala sina Bianca King at Ina Feleo, at si Matthew. Palabas sa Marso 9.
* * *
Palagay ko naman hindi nagpapabaya si Edu Manzano sa kanyang tungkulin bilang chairman ng Optical Media Board. Katulad din ng maraming sangay ng gobyerno, nabanggit nito minsan na talagang kapos ang kanyang opisina sa budget. Ito ang dahilan kung bakit hindi sila maka-all out sa kanilang kampanya laban sa mga pirata. Sa kabila nito maraming raids na isinagawa ang OMB sa pamumuno ni Edu sa tulong ng maraming sangay ng kapulisan sa bansa.

Malaking bagay sa kanyang gawain ang pagkakasara ng Virra Mall dahil dito may pinaka-maraming tinda na pirated tapes. Sa pagbubukas nitong muli, after its renovation, inaasahan ni Edu na tuluyan nang hindi magbabalik ang mga pirata.

ALBERT MARTINEZ

BIANCA KING

BIRHEN

BROADWAY CENTRUM

KUYA GERMS

MASTER SHOWMAN PRESENTS

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with