Ronian Poe, bumagsak sa audition ng Cine Suerte

Naging panata na ni Ben Yalung ng Cine Suerte ang magprodyus ng pelikulang angkop ipalabas sa Mahal na Araw. Siya na lang siguro ang bukod tanging gumagawa ng ganito at parang secondary consideration lang na kumita ang pelikula sa takilya.

Among the spiritually inspiring films na dinirek ni Ben o M7 ay ang Divine Mercy, Ama Namin at Kristo. He felt na panahon na para ituon niya ang pansin kay Mama Mary o Blessed Virgin Mary of which he is a devotee kaya naisip niyang isapelikula ang mga himala ng Birhen ng Manaoag.

Three interesting stories na nagpapatunay sa mga himala ng Birhen ang isasalarawan. All of them are documented and has been told noong mga taong nakasaksi sa apparitions ng Mahal na Birhen.

And speaking of miracles, maniniwala ba kayong matapos silang manalangin before a shoot, ang mga sariwang roses na alay nila ay kinakitaan ng images na nakaukit sa mga natuyong petals? Ayon na rin kay Direk Yalung ay imposibleng mai-drawing ito ng human hands.

Sa panahon ngayong salat sa paniniwala at pananampalataya ang mga tao ay sadyang very timely ang proyektong ito ni G. Yalung who believes na araw-araw ay may nagaganap na milagro, di lang natin napapansin.

Kapuna-puna na walang bankable stars na tampok sa Birhen ng Manaoag. Nasa cast sina Joyce Jimenez, Albert Martinez, Cherry Pie Picache, Jean Garcia, Jodi Santamaria at Alicia Alonzo. Introducing sina Bianca King at Ina Feleo bilang Blessed Virgin Mary.

Nabanggit din ni Direk Yalung na nag-audition si Ronian Poe pero ang role ay di nababagay sa kanya. Remy Umerez

Show comments