Sa ngayon, wait and see siya sa mga pagbabago ng mga programa na nagaganap sa ABS CBN at wala siyang hinanakit kahit sa 30 mga bagong palabas ng Dos ay hindi siya kasama.
"Ngayon ko lubos na naa-appreciate ang bestfriend kong si Allan K na siyang nagkumbinsi sa aking mag-business. Kung hindi niya ito ginawa ay nag-mukhang kawawa na ako dahil walang masyadong TV at pelikula," aniya.
Aiai is busy managing Klownz Araneta and Klownz Angeles kasama si Allan K.
"Tama pala yung paghandaan natin ang future," dagdag pa niya.
May Valentine show siya sa Klownz Quezon Avenue sa Pebrero 13 at Klownz Araneta sa Pebrero 12 at 14. Pareho itong pinamagatang Ai Ai Ai Pag-ibig... Nakakakilig kasama ang Viva Hot Men at Erik Santos.
"Tama tong mag-show muna, tutal wala namang magandang lalaki," pag-amin niya bagaman at sinabi niya na masaya siya sa muling pagkakaunawaan nila ng dati niyang ka-relasyon. Kahit na friends muna sila sa ngayon.
Pero, tuloy pa rin ang Motowns Greatest Hits In Concert sa Araneta pa rin sa Peb. 13 at 14. Mapapanood dito ang The Supremes, The Miracles, Ollie Woodson & The Temptations at JR Walkers All Star Band. Ang mga tiket nito ay nagkakahalaga ng P3500 (patron a&b), P2500 (lower box), P1200 (upper box) P600 (upper box b) at P200 (gen. admission).
Unang movie ito ni Bianca na regular na napapanood sa Mulawin. Siya si Marie sa pelikula, isang college student na nabuntis ni Paolo Paraiso kaya nagkaron sila ng problema ng gumaganap ng napaka-relihiyosang mother niya na si Cherry Pie Picache.
Ang iba pang stars ng pelikula ay sina Joyce Jimenez, Jean Garcia, Ella Guevara, Jodi Santamaria, Marco Alcaraz, Ina Feleo as the Virgin Mary at Matthew Hunt as Jesus Christ. Mapapanood ito sa Marso 9.
"Di ko alam kung sino ang nagpasimuno nito. Ang malinaw, pulitika ang dahilan.
"Ang sasabihin ko wala akong right na magpatanggal ng caterer dahil artista lang ako. At napaka-late na kung gagawin ko dahil last shooting day na yun. At hindi rin si Direk Willy Milan ang direktor ng pelikula ko, kundi si Al Tantay.
"Kahit nagkalaban sa pulitika ang nanay ko at si FPJ, may respeto ako sa kanya. Åt yung photo niya nakita ko na yun days before pa pero, wala akong reaksyon. Bakit sa last shoot pa ako magri-react kung totoo man ang sinasabi ng nagpapadala ng text message?" pagtatapos ng masipag na congressman na hindi pa nakakapag-absent sa Kongreso simula nung mahalal siya.
Makakalalaban ngayon hapon ni Brenan sina Marvin Canda, Maricris Garcia at Tee Jay Macapagal. Manalo kaya siyang muli o may bagong magiging kampeon?