^

PSN Showbiz

Negotiable ang paglipat ni Aiai sa GMA!

- Veronica R. Samio -
Sinabi ni Aiai delas Alas sa isang intimate interview na sa tingin niya raw ay nagpaparinig sa kanya ang GMA. Bagaman at hindi niya inamin na may offer nga sa kanya ang Siete, hindi rin naman niya itinanggi na may tinanggap na offer ang kanyang manager na si Boy Abunda para sa kanya mula sa nasabing network. Pero, sinabi niya na "Negotiable ito, parang bahay ko," which she is selling for P14M.

Sa ngayon, wait and see siya sa mga pagbabago ng mga programa na nagaganap sa ABS CBN at wala siyang hinanakit kahit sa 30 mga bagong palabas ng Dos ay hindi siya kasama.

"Ngayon ko lubos na naa-appreciate ang bestfriend kong si Allan K na siyang nagkumbinsi sa aking mag-business. Kung hindi niya ito ginawa ay nag-mukhang kawawa na ako dahil walang masyadong TV at pelikula," aniya.

Aiai is busy managing Klownz Araneta and Klownz Angeles kasama si Allan K.

"Tama pala yung paghandaan natin ang future," dagdag pa niya.

May Valentine show siya sa Klownz Quezon Avenue sa Pebrero 13 at Klownz Araneta sa Pebrero 12 at 14. Pareho itong pinamagatang Ai Ai Ai Pag-ibig... Nakakakilig kasama ang Viva Hot Men at Erik Santos.

"Tama ‘tong mag-show muna, tutal wala namang magandang lalaki," pag-amin niya bagaman at sinabi niya na masaya siya sa muling pagkakaunawaan nila ng dati niyang ka-relasyon. Kahit na friends muna sila sa ngayon.
* * *
Madi-disappoint sigurado yung mga naghihintay kina Tiffany, Taylor Dayne at Sheena Easton dahil nakansela ang Valentine show nila sa Åraneta Coliseum (Peb. 11 at 12) at Waterfront Hotel, Lahug, Cebu (Peb. 14).

Pero, tuloy pa rin ang Motown’s Greatest Hits In Concert sa Araneta pa rin sa Peb. 13 at 14. Mapapanood dito ang The Supremes, The Miracles, Ollie Woodson & The Temptations at JR Walker’s All Star Band. Ang mga tiket nito ay nagkakahalaga ng P3500 (patron a&b), P2500 (lower box), P1200 (upper box) P600 (upper box b) at P200 (gen. admission).
* * *
Wala namang masyadong pinag-ugatan ang paghihiwalay nina Bianca King at Partrick Garcia. Tatlong taon din silang nagkaroon ng relasyon. "Basta naramdaman namin na gusto na naming mag-move on, magkanya-kanya ng landas kaya naisipan naming mag-break," ani Bianca nang makausap ako sa presscon ng Birhen ng Manaoag, pagbabalik pelikula ng Cine Suerte na nasa direksyon ni Ben M7 Yalung.

Unang movie ito ni Bianca na regular na napapanood sa Mulawin. Siya si Marie sa pelikula, isang college student na nabuntis ni Paolo Paraiso kaya nagkaro’n sila ng problema ng gumaganap ng napaka-relihiyosang mother niya na si Cherry Pie Picache.

Ang iba pang stars ng pelikula ay sina Joyce Jimenez, Jean Garcia, Ella Guevara, Jodi Santamaria, Marco Alcaraz, Ina Feleo as the Virgin Mary at Matthew Hunt as Jesus Christ. Mapapanood ito sa Marso 9.
* * *
Foul din ang sinasabi ni Cong. Mikey Arroyo sa mga kumakalat na masamang text messages tungkol sa diumano’y pagkakagalit nito na naging dahilan para tanggalin niya ang serbisyo ng caterer ng kanilang ginagawang movie dahil may larawan ni FPJ ang ginamit nitong sasakyan.

"Di ko alam kung sino ang nagpasimuno nito. Ang malinaw, pulitika ang dahilan.

"Ang sasabihin ko wala akong right na magpatanggal ng caterer dahil artista lang ako. At napaka-late na kung gagawin ko dahil last shooting day na yun. At hindi rin si Direk Willy Milan ang direktor ng pelikula ko, kundi si Al Tantay.

"Kahit nagkalaban sa pulitika ang nanay ko at si FPJ, may respeto ako sa kanya. Åt yung photo niya nakita ko na yun days before pa pero, wala akong reaksyon. Bakit sa last shoot pa ako magri-react kung totoo man ang sinasabi ng nagpapadala ng text message?" pagtatapos ng masipag na congressman na hindi pa nakakapag-absent sa Kongreso simula nung mahalal siya.
* * *
Lima na ang makakapasok sa grand finals ng Pinoy Pop Superstar na mapapanood tuwing Sabado, 5:30 NH sa GMA at host si Regine Velasquez. Sila’y sina Michael Anthony Garcia (7 weeks champion, Iligan City), Kristel Astor (4 wks, from Pampanga), Ana Charmaine Piamonte (4 wks, Manila), MC Monterola (4 wks, QC), at Brenan Enriquez (4 wks, QC).

Makakalalaban ngayon hapon ni Brenan sina Marvin Canda, Maricris Garcia at Tee Jay Macapagal. Manalo kaya siyang muli o may bagong magiging kampeon?

AI AI AI PAG

AIAI

AL TANTAY

ALL STAR BAND

ALLAN K

CENTER

NIYA

PEB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with