Balak din ni Mara na mag-join ng beauty contest at di man siya palarin tulad ng kanyang ina, okay lang dahil magandang experience ito. At para maihanda ito sa kanyang balak, palagi siyang isinasama ng kanyang ina sa mga lakad nito para matuto siyang makisalamuha at makisama sa tao.
Nabigyan na ng short appearance si Mara sa movies, bilang barkada ni Sarah Geronimo sa Lastikman. Pangarap niyang mabigyan ng lead role sa isang comedy movie.
Modelo silang dalawa ng kanyang ina ng Milton Lloyd perfumes under Mark & James ng England.
Pumayat na rin si Raymond nang makitat makausap ko sa album launch niya. Iginawa siya ng Viva Records ng isang debut album na pinamagatang "Faithfully" na may carrier single na "Kung Alam Mo Lang", pinasikat nun ni Toni Daya. "Pinapag-diet talaga ako ng Viva dahil hindi raw maganda kung mataba ako sa launching ko. Hindi lang ako kumain ng rice," sabi niya.
Isang scholar si Raymond sa Holy Angel University sa Pampanga na kung saan ay kumukuha siya ng kursong Finance. Scholar siya dahil sa kanyang pagkanta.
Nagko-commute pa rin siya kapag umuuwi at natutuwa siya na kahit anong disguise ang gawin niya, kahit magsuot siya ng dark glasses, mag-cap, nakikilala pa rin siya. Minsan pumunta siya ng record bar para tingnan ang kalagayan ng album niya, kung may tarpaulin na ito. Nakilala siya ng saleslady at pinatugtog ang carrier single niya.
Kahit pagkanta ang sasabakan niya, pinakuha na rin siya ng acting workshop kasama si Mark Bautista at isasama pa sa pagbabalik ng Night of the Champions sa US.