Kristine,Diether 2 beses ikinasal

Bago nagtapos ang year 2004, nangako sina Kristine Hermosa at Diether Ocampo na magpapa-presscon para linawin ang isyung kanilang pagpapakasal. At malapit nang mangyari ‘yun sa presscon ng bago nilang teleserye sa ABS-CBN.

Sa pagharap nila sa press, hindi lang ang September 12 (o 22) civil wedding ang kanilang lilinawin. Maganda kung sa kanila manggaling ang pag-amin o pagtanggi sa tsikang twice silang ikinasal. Una raw silang nagpakasal sometime July last year at sa V. Luna ginanap ang kasal at isang kaibigang military ni Diether ang witness.

Null and void lang ang first marriage ng dalawa dahil wala pang 21 years old si Kristine that time at September 9 lang ito nag-21. Ito raw ang dahilan kung bakit inulit nina Kristine at Diether ang pagpapakasal.

Kailangan talaga, magsalita na sina Kristine at Diether nang hindi nadadagdagan ang isyu na kailangan nilang linawin at sagutin.
* * *
Na-interview namin sina Jennylyn Mercado at Mark Herras bago sila mag-shooting ng Let The Love Begin sa 16th floor ng GMA building. Masaya silang napasama sa pre-Valentine’s Day presentation ng comebacking GMA Films. Sa February 9 na ang regular showing nito at may premiere night sa Cinema 10 ng SM Megamall sa Feb. 7.

"Ibang-iba ito sa So… Happy Together. Hindi lang ito tungkol sa love, tungkol din ito sa friendship and family. Excited na kami ni Jennylyn sa second movie namin," sabi ni Mark na sinang-ayunan ng girlfriend.

Busy ang dalawa sa rami ng trabaho pero, umaasa si Mark na libre sila ni Jennylyn sa Feb. 14. First Valentine’s Day nila ito at gusto niyang makapag-celebrate sila. Wala pang naisip na iregalo ang dalawa sa isa’t isa but for sure, hindi nila palalampasin ang important day ng wala silang regalo’t pareho pa naman silang galante.
* * *
Ipinakita ni Camille Prats na hindi siya insecure sa mga bagong talent ng ABS-CBN nang pumayag siyang mag-second lead kay Bea Alonzo sa Dreamboy ng Star Cinema. Masaya siyang humarap sa press at game na sinagot ang mga tanong.

Wish ni Camille na magtuluy-tuloy ang paggawa niya ng pelikula’t na-miss niya ito. Three years ago pa ang last movie niya sa Regal Entertainment. Pwede na raw siya sa mature role, pwede nang makipag-kissing scene basta, hindi lang passionate.

Napansin pala namin na hindi pa ready si Camille na iwan ang Ch. 2 at lumipat sa GMA-7. Nakikipag-negotiate raw ang parents niya sa management ng Ch. 2 at kung maganda ang kalabasan, mananatili siya rito.

"Sa Ch. 2 ako eversince. This is my home, this is where I grew up. As long as okay ang maging usapan at kung masaya ako, dito pa rin ako. Ayoko lang na may sasama ng loob sa akin. Wala pa rin namang definite offer ang Ch. 7," sabi nito.
* * *
Wala si Toni Gonzaga sa "Haller" segment nila nina Jeremy Marquez at Teri Onor sa S Files this Sunday. Hindi ito dumating sa taping last Saturday habang inaayos ang kontrata. Sabi ng executive producer, hindi nila inaalis sa show si Toni pero, paano ‘pag ito na ang nag-decide na iwan ang S Files at ang iba niyang show sa GMA-7 at tanggapin ang offer ng ABS-CBN?

Nakipag-meeting ang ina nito sa Ch. 7 management kahapon pero, wala pa kaming feedback sa kinahinatnan ng pag-uusap na ‘yun.

Si Lei Atienza, ex-girlfriend ni Marvin Agustin ang pansamantalang papalit kay Toni. Kung hindi na siya mapanood sa mga susunod na Linggo, ibig sabihin, tuluyan na nga siyang nagbabu?

"Wala po," ang sagot ni Malou Choa-Fagar nang hingan ng reaction sa mga bagong show na itatapat ng Ch. 2 sa Eat… Bulaga. "I’m thinking of it," naman ang sagot nito nang tanungin kung totoong hanggang last Saturday na lang si Toni sa nasabing noontime show at sa iba niyang show sa Ch. 7.
* * *
Maaaliw ang viewers sa mapapanood nilang magic sa NAKS! ngayong Linggo sa GMA-7. Si Magician Slydon, gugulatin ang mga taga-StarStruck sa mabilis na pag-inom ng gatas gamit ang mga daliri na ginawa niyang straw. Hindi lalapat sa bibig ni Slydon ang baso pero, makikitang unti-unting nauubos.

Pasaway na waiter si magician Yexel. Iiwan nitong nakakalat sa dinadaanan ng tao ang mesa sa isang restaurant at kanya itong palulutangin para maalis.

Apat na magic tricks naman ang ipapakita ni Bearwin Meily at pati si Benjie Paras, magma-magic na rin. Malalaman din kung sino ang nanalo ng P20,000 grand prize sa mga ipinadalang invention.

Show comments