Sino si Kitchie Nadal at bakit marami ang nagtatanong tungkol sa kanya ?
December 26, 2004 | 12:00am
Dalawang kasamahan kong bading ang nakaringgan ko ng pangalang Kitchie Nadal. Yung isa nagtatanong ng kanyang album. Yung isa pa, gusto siyang mapanood dahil nababalitaan na raw niya ang kagalingan nito.
Sa kasamaang palad, hindi pa rin ako nagkakaron ng pagkakataon na makausap ito o makilala.
Hanggang isang araw ay makita ko itong kumakanta sa SOP Rules ng GMA7, sa segment para sa mga kabataan, sa SOP Gigsters.
Maganda pala ito, at totoo, magaling kumanta bukod pa sa siya ang nag-aakumpanya sa kanyang sarili sa gitara.
May album ito sa Warner Music, co-production ito ng nasabing kumpanya at ng 12 Stone Records. Nakasama siya sa "Warner All Star Christmas Collection" na nagtatampok sa 11 OPM pop talents, kasama sina Nina, Paolo, Santos at Christian Bautista, to name a few.
Tatlong-taon na nang sumama sa Mojofly si Kitchie, wala, nakatuwaan lang niya. Dati kasi nagsusulat lamang siya ng mga kanta at kumakanta lamang para sa mga kaibigan sa kanilang tahanan. Pero naapektuhan ang kanyang pag-aaral.
Umalis siya para mag-concentrate sa kanyang double degree sa psychology and education. "In the beginning palang, sinabi ko na na school is priority," aniya.
Isang taon ding nawala sa eksena si Kitchie pero hindi nawala ang kanyang pagmamahal sa musika na lalong pinag-ibayo ng mga paborito niyang sina Fiona Apple, Queen at Skunk Anansie.
Ngayon, mas may direksyon na ang kanyang musika. Lyrically, shes speaking out more. "Gumising na, bumangon na pagkat di na ikaw yung biktima," anang awitin niyang "Bulong", isang awitin tungkol sa mga taong tumatangging gawin ang nararapat. Marami sa mga awitin ni Kitchie ang nagpapakita ng kanyang spiritual life. Ginagabayan siya ng kanyang paniniwala at ng kanyang church family, ang Victory Christian Fellowship. "Gumagawa ako ng mga songs na parang mga panaginip, parang ini-interpret ko kung paano ako managinip, hindi masyadong malinaw pero, may visual."
Sa kasalukuyan, mabilis ang pagsikat ng 24 na taong gulang na tinataguriang pop rock princess.
Pamilyar ang apelyido ni Marco na Aytona. May kuya siya sa ABS CBN na naunang mag-artista sa kanya, si Mico. At katulad ng kanyang kuya, may hilig siya sa pag-arte. At kumakanta rin siya. Di lamang siya tulad ng kanyang kuya na myembro ng Kundirana. "Wala pa ako sa edad nang magbigay dito ng audition. Nang nasa edad naman ako, wala na ako sa La Salle at nakalipat na sa ABS CBN Learning Center," aniya.
Una siyang ipinakilala sa pelikulang Milan. Siya ang batang Piolo Pascual. "Pero photo ko lang ang nakita sa movie," aniya. Bagaman at wala pa siyang regular show, madalas siyang mag-guest sa mga palabas ng Dos tulad ng Maalaala Mo Kaya, Wansapanataym, Eto Na Ang Kasunod Na Kabanata at Kaya Ni Mister, Kaya Ni Misis.
Fourteen years old na si Marco na marami na ring nagagawang commercials. Birthday niya nung December 8.
Sa kasamaang palad, hindi pa rin ako nagkakaron ng pagkakataon na makausap ito o makilala.
Hanggang isang araw ay makita ko itong kumakanta sa SOP Rules ng GMA7, sa segment para sa mga kabataan, sa SOP Gigsters.
Maganda pala ito, at totoo, magaling kumanta bukod pa sa siya ang nag-aakumpanya sa kanyang sarili sa gitara.
May album ito sa Warner Music, co-production ito ng nasabing kumpanya at ng 12 Stone Records. Nakasama siya sa "Warner All Star Christmas Collection" na nagtatampok sa 11 OPM pop talents, kasama sina Nina, Paolo, Santos at Christian Bautista, to name a few.
Tatlong-taon na nang sumama sa Mojofly si Kitchie, wala, nakatuwaan lang niya. Dati kasi nagsusulat lamang siya ng mga kanta at kumakanta lamang para sa mga kaibigan sa kanilang tahanan. Pero naapektuhan ang kanyang pag-aaral.
Umalis siya para mag-concentrate sa kanyang double degree sa psychology and education. "In the beginning palang, sinabi ko na na school is priority," aniya.
Isang taon ding nawala sa eksena si Kitchie pero hindi nawala ang kanyang pagmamahal sa musika na lalong pinag-ibayo ng mga paborito niyang sina Fiona Apple, Queen at Skunk Anansie.
Ngayon, mas may direksyon na ang kanyang musika. Lyrically, shes speaking out more. "Gumising na, bumangon na pagkat di na ikaw yung biktima," anang awitin niyang "Bulong", isang awitin tungkol sa mga taong tumatangging gawin ang nararapat. Marami sa mga awitin ni Kitchie ang nagpapakita ng kanyang spiritual life. Ginagabayan siya ng kanyang paniniwala at ng kanyang church family, ang Victory Christian Fellowship. "Gumagawa ako ng mga songs na parang mga panaginip, parang ini-interpret ko kung paano ako managinip, hindi masyadong malinaw pero, may visual."
Sa kasalukuyan, mabilis ang pagsikat ng 24 na taong gulang na tinataguriang pop rock princess.
Una siyang ipinakilala sa pelikulang Milan. Siya ang batang Piolo Pascual. "Pero photo ko lang ang nakita sa movie," aniya. Bagaman at wala pa siyang regular show, madalas siyang mag-guest sa mga palabas ng Dos tulad ng Maalaala Mo Kaya, Wansapanataym, Eto Na Ang Kasunod Na Kabanata at Kaya Ni Mister, Kaya Ni Misis.
Fourteen years old na si Marco na marami na ring nagagawang commercials. Birthday niya nung December 8.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended