Maganda ang resulta sa unang araw ng MMFF 2004 dahil pami-pamilya ang mga nanood at puno rin ang mga kainan.
Sad to say, hindi gaanong puno ang Disney On Ice Presents Princess Classics sa Araneta Coliseum. Sayang maganda pa naman ito sa mga bagets.
Katwiran ng staff ay tila hindi raw nasabihan ng executive producer si Aiai at tila wala raw sa bansa ang comedy concert queen dahil may show ito sa Amerika kasama si Piolo Pascual.
Say namin sa taga-Dos, bakit itinuloy pa rin ang naturang party gayung wala pala ang bida nila, di bat malaking insulto naman yon on the part of Aiai dahil siya ang bida sa Tanging Ina tapos siya pa ang wala?
Di kaya pinagkaisahan ng staff ang komedyante at hindi siya isinama dahil ang pagkaalam namin ay nasa Pilipinas na siya that time?
Anyway, sinubukan naming tawagan si Aiai para hingan ng comment pero mukhang busy ito dahil walang sumasagot sa cellphone niya.
Kumpirmadong hanggang katapusan na lang ng Enero 2005 ang MTB: Ang Saya Saya dahil papalit na ang solong noontime show ni Willie Revillame.
Dagdag pa na magiging back-to-back ang show nina Willie at Kris Aquino na Pilipinas, Game Ka Na Ba? Samantala, ang Morning Star ay mawawala na rin at as of presstime ay programa nina Aiai de las Alas at Arnell Ignacio ang ipapalit.
Balita ring magri-reformat ang Magandang Umaga Bayan next month (January) dahil hindi na rin daw ito gaanong nagri-rate at natatalo na ng Unang Hirit.
Marami raw staff at host ng MTB ang papalitan, ayon sa staff mismo ng MTB kapag nag-take over na uli si Jake Maderazo na siyang nag-umpisa ng programa.
As of now kasi ay bisi-bisihan pa si Jake as direktor ng News programs ng Dos. Reggee Bonoan