Comedy Kapamilya sa Pasko
December 20, 2004 | 12:00am
Para sa ating mga Pinoy, wala na talagang mas sasaya pa sa Paskong kasama natin ang ating mga minamahal na mga Kapamilya.
Kaya naman sa pinakabagong Kapamilya Comedy Station ID, na idinirek ni John D. Lazatin, pinapaalala at ipinapakita na kahit gaano kalaki ang problemang kinakailangan nating harapin, basta nandiyan ang ating mga kapamilya, walang rason para di matuloy ang Pasko.
Kumpleto ang buong pamilya ng ABS-CBN comedy shows na nakiisa sa selebrasyong ito na pinangunahan ng pinakamalaking mga pangalan sa Philippine showbiz tulad nina Maricel Soriano, Aiai delas Alas, Cesar Montano, Aga Muhlach, Edu Manzano, Bayani Agbayani, Vhong Navarro, Roderick Paulate, Gloria Romero, Nova Villa at ang nag-iisang Hari ng Komedya, si Dolphy.
Sa tulong ng ID theme song na "Ituloy ang Pasko" ng Akafellas, ipinakita sa plug na ito ang ibat ibang preparasyon na sama-samang ginagawa ng pamilyang Pilipino para gawing tunay na masaya ang panahong ito.
Kaya Kapamilya, wag kang malumbay ngayong Pasko dahil kahit na ano ang mangyari, hindi ka iiwan ng inyong Kapamilya Comedy. Sige na, ngiti na. "Ituloy na natin ang masayang Pasko, Kapamilya."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 29, 2024 - 12:00am