Talent manager, trip panoorin ang mga alaga habang naliligo
December 20, 2004 | 12:00am
May nakapagsyete na may isang bading na talent manager na may kakaibang libangan. Kapag napagtripan ang paborito nitong talent ay gusto niyang nakabukas ang pinto ng banyo kapag itoy naliligo. Gusto niyang panoorin ang alaga habang naliligo at siya mismo ang nagtuturo rito kung anong bahagi ng katawan ang kukuskusan nito ng sabon.
Kaya raw walang tumatagal na talent dito ayon pa sa aking source dahil sa kakaibang trip na ito. Sino ba naman ang gustong maligo na nakabukas ang pintuan habang may nanonood sa iyo?
Sa presscon ng Mano Po 3 ay nakakwenthan namin si Vilma Santos at isa sa sentro ng usapan ay ang kanyang anak na si Lucky Manzano.
Ayon kay Vi, maswerte siya dahil mabait na bata ang kanyang anak at kahit liberal ay alam nito ang tama at mali. Isa sa mahalagang factor kung bakit naging mabuti itong anak ay dahil bukas lagi ang kanilang komunikasyon. Pagdating nito ng bahay ay kinukumusta niya ang mga ginawa nito o gagawin kinabukasan.
"May focus siya sa kanyang trabaho at marunong humawak ng pera. Kuripot din ito at pagkain ang inireregalo niya sa akin kapag may ispesyal na okasyon. Magaling din siyang magluto kaya nga HRM ang kinuha nitong kurso."
Natutuwa si Vi dahil napasama siya sa Mano Po 3. Ang naging production cost ng MAQ Productions ay P75M dahil sa laki ng casting, location sa ibang bansa at ang magagandang costumes na ginamit.
Sa kabilang banda, sinabi ni Mother Lily na hindi na niya inalintana na gumastos ng malaki para mabigyan ng kasiyahan at kakaibang karanasan ang mga manonood sa Mano Po 3. Dumayo pa ang grupo sa ibat ibang lugar gaya ng Beijing, Great Wall of China, Bangkok at Thailand para maging mas exciting ang movie.
Ayon kay Eddie Garcia, hindi siya umaasa na mabibigyan ng best actor trophy sa Mano Po 3. "Maikli lang kasi ang role ko rito at pangsuporta lang ako. Baka sa supporting actor category ako ma-nominate," pag-amin ng actor.
Taun-taon kahit gaano kaabala sa kanyang trabaho ay sa pamilya nagpapalipas ng Kapaskuhan ang magandang si Tracy Torres. Hindi siya nakakalimot na bigyan ng regalo ang mahal sa buhay, mga kaibigan lalo na sa showbiz.
Naging panata na nito ang tumanaw ng utang na loob sa mga taong nakakatulong sa kanyang career. Naghihintay ng tamang project ang sexy star dahil gusto na nitong magbago ng imahe bagamat pwedeng magpa-sexy pero never nang maghuhubad.
Kaya raw walang tumatagal na talent dito ayon pa sa aking source dahil sa kakaibang trip na ito. Sino ba naman ang gustong maligo na nakabukas ang pintuan habang may nanonood sa iyo?
Ayon kay Vi, maswerte siya dahil mabait na bata ang kanyang anak at kahit liberal ay alam nito ang tama at mali. Isa sa mahalagang factor kung bakit naging mabuti itong anak ay dahil bukas lagi ang kanilang komunikasyon. Pagdating nito ng bahay ay kinukumusta niya ang mga ginawa nito o gagawin kinabukasan.
"May focus siya sa kanyang trabaho at marunong humawak ng pera. Kuripot din ito at pagkain ang inireregalo niya sa akin kapag may ispesyal na okasyon. Magaling din siyang magluto kaya nga HRM ang kinuha nitong kurso."
Natutuwa si Vi dahil napasama siya sa Mano Po 3. Ang naging production cost ng MAQ Productions ay P75M dahil sa laki ng casting, location sa ibang bansa at ang magagandang costumes na ginamit.
Sa kabilang banda, sinabi ni Mother Lily na hindi na niya inalintana na gumastos ng malaki para mabigyan ng kasiyahan at kakaibang karanasan ang mga manonood sa Mano Po 3. Dumayo pa ang grupo sa ibat ibang lugar gaya ng Beijing, Great Wall of China, Bangkok at Thailand para maging mas exciting ang movie.
Naging panata na nito ang tumanaw ng utang na loob sa mga taong nakakatulong sa kanyang career. Naghihintay ng tamang project ang sexy star dahil gusto na nitong magbago ng imahe bagamat pwedeng magpa-sexy pero never nang maghuhubad.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am