Kristine,nanay nina Oyo Boy at Aiza sa Enteng...'

Marami ang nagtataka kung bakit ang isang kabataan at sing-ganda ni Kristine Hermosa ay tumanggap ng mother role, ina nina Oyo Boy at Aiza Seguerra sa Enteng Kabisote: Okay Ka Fairy Ko, The Legend ng Octo-Arts at M-Zet. Hindi naman daw masasabing kulang siya sa assignments.

"I really wanted to play the role of Faye. As a kid, never akong nag-miss ng episode. Kaya nang i-offer sa akin ang role, tinanggap ko agad," aniya.

Yung pagiging ina niya sa movie ay hindi naman isang seryosong bagay sa movie at magsisilbing isang sorpresa sa mga manonood. In the same way na nanay niya sa movie si G. Tongi, lola rin ng mga gumanap ng anak niya.

Vic Sotto
heads the powerful cast of Enteng... at kasali ito sa MMFFP.

Show comments