Sabi ng mommy ni Shaina nang tanungin tungkol sa panliligaw ng young actor sa anak ay wala silang magagawat nanliligaw ang lalaki. Mahirap daw higpitan ang anak at baka magrebelde ito.
Kaya lang, dahil menor de edad si Shaina, hanggang telepono at text messages lang muna ang kanilang communication. Swertet nakakapag-usap sila in person pag nagkikita sa ABS-CBN. Sa ngayon, bawal kay Shaina ang tumanggap ng ligaw sa kanilang bahay at makipag-date.
No wonder, inaabot sila ng madaling-araw sa pag-uusap at libu-libo ang phone bills nilang dalawa. Naitsika ng isang kaibigang may access sa phone bills nila sa Globe na for last month, P15,000 ang phone bills ni Patrick at P10,000 naman ang kay Shaina. Mabuti na lang at pareho silang may trabahot hindi na kailangang humingi ng pambayad sa kanilang parents.
Incidentally, kahit magaganda ang entry sa Metro Manila Film Festival, umaasa pa rin si Kris na kikita ang Happy Together nila ni Eric Quizon. "Im confident this will be on top 4. Ill be very happy," sabi nito.
Hindi rin natatakot si Kris na gumanap na mother nina Jennylyn Mercado at Yasmien Kurdi. "Im an actress at hindi dapat maging consideration ang age ko. Besides, I dont act my age," katwiran ni Kris.
Hihintayin lang ni Kris ang Parade of Stars ng MMFF sa December 24 at opening ng filmfest sa Dec. 25. Sa Dec. 26, aalis sila ni Joshua for a much needed five day-vacation. Hindi nito sinabi kung saan sila pupunta ng anak pero, dalawang lugar ang kanilang pupuntahan at sa Dec. 31, na ang kanilang balik.
Kung totoo itoy pinatunayan lang ng TV host-actress na mahal niya ang bf at seryoso ang kanilang relasyon. Napag-uusapan na ng dalawa ang kasal kaso, nag-aaral pa ang lalaki kaya, hindi pa nila magawang magpakasal. Tiniyak ng aming source na kapag nag-graduate ang bf ng TV host-actress, sa altar magtatapos ang kanilang magandang relasyon.
Tampok sa isa pang sing and dance number si Rica Peralejo. Ipapakita ng actress ang husay niya sa pagsayaw.
Samantala, sa Wansapanataym, mapapanood ang episode na Palakokak. Bida sa natatanging episode si Danilo Barrios as Koko, isang palakang in-love kay Wendy (Jodi Santa Maria) na mahilig sa hayop. Boses naman ni Aiza Marquez ang magbibigay buhay kay Koka, ang palakang tunay na nagmamahal kay Koko.