Richard, Dawn magkakaroon ng kissing scene

Kung si Dawn Zulueta ang masusunod, ayaw na nitong magkaroon ng kissing scenes kay Goma sa Forever In My Heart.

"Ako mismo ang may ayaw. Siguro, mas gugustuhin ko yong mga yakap lang pero wala nang halikan," anang aktres.

Seven years nang kasal sina Dawn at Anton Lagdameo pero wala pa ring anak. Ayon kay Dawn, hihintayin na lang nila kung kailan ito ipagkakaloob ng Maykapal.
Jodi, Bilang Kampanerang Kuba
May gagawing teleserye si Direk Wenn Deramas ang Kampanerang Kuba kung saan personal choice niya si Jodi Santamaria. Hindi kasi pwede si Claudine Barretto sa karakter na ito.

Pagbalik ni Direk galing ng New York ay saka sila magmi-miting tungkol sa pre-production ng teleserye.
Pinagbigyan Si Bobby
Kasama na si Angelica Jones sa ChowTime bilang co-host ni Bobby Yan. Hindi ba’t inili-link ang dalawa? Pero ayon sa aktres nang makausap namin sa phone ay malapit silang magkaibigan kaya naman pinagbigyan niya si Bobby na makasama siya sa noontime show.

"Payag naman ang Channel 2 na lumabas ako sa ibang istasyon huwag lang sa kalabang network. Mabait si Bobby sa akin kaya bilang kaibigan ay hindi ko ito tinanggihan nang magpasabing gusto niya akong makasama sa programa," ani Angelica.

Abala ngayon ang seksing aktres sa taping ng Krystala at sa promosyon ng kanyang single na "Heller" (makabagong tawag sa Hello).
Blind Item: Walang Kwentang Kaibigan Ang Aktres
Sa showbiz ay mahirap talagang makakita ng tunay na kaibigan. Sa umpisa ay maganda ang nagiging pagtitinginan ng dalawang sikat na aktres na ito. Madalas ay natutulog si Aktres A (na mas bata) kay Aktres B (sa bahay ng huli). Minsan ay sinosorpresa ni Aktres B si A kung saan binibilhan niya ito ng mamahaling make-up. Magaling kasi itong mag-make-up at magandang manamit. Nagsilbi siyang ate kay Aktres A hanggang sa makasal ito. Maganda pa rin ang kanilang pagiging magkaibigan hanggang dumalang na ang kanilang komunikasyon.

Minsan ay naospital si Aktres A dahil nakunan ito. May isang taga-showbiz ang nagkwento kay Aktres B at sinabing dalawin naman niya ang kanyang bestfriend.

Nag-dialogue si Aktres B ng "Karapat-dapat ba siyang dalawin?" Nakarating ito kay Aktres A at nagdamdam siya ng labis. Kahit noong nakaraang kaarawan nito ay hindi na rin siya nabati ng itinuturing niyang kaibigang si aktres B. Hindi naman niya alam kung bakit nanlamig ito sa kanya. Ngayon ay nanghihinayang si Aktres A dahil naputol na ang pagiging malapit nilang magkaibigan ni Aktres B.

Show comments