^

PSN Showbiz

Ray-An Fuentes, Pinoy singing evangelist

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Kahit mahigit 10 taong nawala sa showbiz si Ray-An Fuentes, nagagamit pa rin niya ang kanyang talento sa pagkanta. Siya lamang ang tanging singing evangelist na Pinoy na naglalakbay sa buong mundo upang awitan at ipaabot ang mga salita ng Diyos sa maraming tao.

Pirmihan nang naninirahan sa Vancouver, Canada sina Ray-An at ang misis niyang si Mei-lin na dati ring myembro ng New Minstrels tulad niya.

Noong nagpasya sina Ray-An na iwan nila ang mundo ng showbiz, hindi niya inasahan na ang kanilang kabuhayang mag-anak ay magiging maayos pa rin at masasabing masagana. Dito pumasok ang milagro ng Poong Maykapal.

Ngayon, meron na silang sariling ministry at patuloy na pinagpapala ng Diyos ang buo niyang pamilya sa Canada.

"Hindi ako humihingi ng abuloy at anumang kontribusyon sa aking paglilingkod sa Diyos at sa mga tao," simula ni Ray-An nang makausap namin sa Manila Genesis office. "Ang nakakagulat, kahit noong nasa Pilipinas pa kami, dumarating ang maraming tulong at nakakasapat sa aming mga pangangailangang materyal."

Pati nga mga anak ni Ray-An, napag-aaral niya at malapit na rin silang magkaroon ng sariling bahay.

Nakapaglibot na siya sa Europa, Amerika at Asya. Noon ngang nagkita kami ni Ray-An, papunta siyang Hongkong para sa isang speaking engagement.

Sinamantala ni Ray-An ang biyaheng Hongkong upang sumaglit sa ating bansa. Nakapagbigay pa siya ng mga lectures at inspirational talks habang narito siya.

Nabanggit ni Ray-An ang kanyang tinatapos na libro tungkol sa "God’s Greater Economy". Ito rin ang siyang tema ng kanyang mga lectures sa iba’t ibang bansang kanyang pinupuntahan, bukod pa nga ang tungkol sa Bibliya.

Nangako si Ray-An na babalik sa bansa sa February, at sa panahong ito, maaring tapos na at na-published na ang kanyang "God’s Greater Economy".
* * *
Namumukod tangi talaga ang ilang mga commercials na palaging ipinalalabas sa TV.

Para sa akin, isa sa pinakamagaling ang pagkagawa ang "Galing UK" ad ng Tide. Simple lamang ito at hindi hard sell. Natural ang arte ng mga gumanap, lalo na ang dalagitang nakasuot ng pinaputing ukay-ukay gown na sinabi niyang "galing UK".

Maari pang mapiling best TV commercial ang "Bilog ang Mundo" ng Ginebra San Miguel.

Ipinakita ang isang matabang binata na lumangoy ng malayo upang kumuha ng isang bote ng Ginebra. Dahil sa sobrang layo ng nilakbay, naging macho at maganda’t matipuno na ang pangangatawan niya pagbalik.

Kaya naman gusto na siyang ipulutan ng mga chicks na kasama niya!

Gusto ko rin ang "Day By Day" ng Surf na tampok ang biyenan ni Lumen na kumakanta ng "Day by Day" kasama ang isang koro ng mga babae sa simbahan.

Kahit medyo OA ang pagkaarte at pagkanta ng bida, bagama’t hindi naman nakakainis. Bagkus, nakakatawa pa at talagang mabebenta ang Surf.

Ang mga TV commercials, malaki ang impact sa mga very young viewers. Lalo pa ang mga sanggol na hindi pa nakapagsasalita. Lubhang nalilibang sila sa panonood.

vuukle comment

DAY BY DAY

DIYOS

GINEBRA SAN MIGUEL

GREATER ECONOMY

KAHIT

MANILA GENESIS

RAY

RAY-AN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with