Malambing din si Richard sa kanyang mommy kaya nga from his condo ay bumalik muna ito sa tahanan ng magulang dahil nami-miss sila.
Nadisiplina ni Annabelle ang anak kaya lumaki itong mabuting tao. Kita naman ito sa Extra Challenge noong sumali ito kung saan hindi napikon at nagmura kapag nahihirapan sa challenge.
Hindi mapapasubalian na si Richard ang pinaka-abala sa lahat ng kabataang aktor sa kasalukuyan.
Natutuwa si Janice dahil kailanman ay hindi naglihim sa kanya si Luigi pagdating sa kanyang mga nililigawan kaya nabibigyan niya ng payo ang anak.
May gagawing MTV sina Ogie Alcasid at Janice de Belen titled Tanging Pag-ibig sa direksyon ni Louie Ignacio. Bakit kaya ang aktres ang napiling maging love interest ng singer-composer?
"Magaling siyang mag-emote at maamo ang kanyang mukha na akma sa MTV nila ni Ogie," sey ni Direk.
Saludo si Angel kay Direk Yam Laranas at sinabing ang galing-galing nito. "Sobrang maayos ang lahat very systematic at bago ka dumating sa set ay may story board na. Fresh ang kanyang ideas. Bata pa kasi siya," aniya.
Ang Sigaw ay entry sa darating na Metro Manila Film Festival.
Balitang madalas makita ang dalawa sa isang bar. Nagkakilala ang dalawa nang ipakilala ang produ ng kanyang kaibigan na involved din sa movie production.
Maraming pelikula ngayon ang sexy actor dahil ang kanyang backer ay ang lady produ na in-love sa kanya.