^

PSN Showbiz

Hanggang friends lang sina Angel at Dennis

- Veronica R. Samio -
Inamin ni Angel Locsin na kahit papaano ay naka-move on na siya sa pagkamatay ni Miko Sotto.

Sa kabila nito, hindi siya nagmamadaling humanap ng makakapalit nito sa kanyang puso.

"Hindi naman talaga siya mapapalitan sa aking puso. Kung sino mang lalaki ang susunod na dumating, ibang klase ng pagmamahal ang ibibigay ko sa kanya, hindi yung bilang kapalit ni Miko," aniya.

Bagaman at tinutukso na sila ni Richard Gutierrez dahilan sa madalas nilang pagsasama, sinabi ni Angel na "Masarap siyang katrabaho. Gamay ko na siya. Napaka-bait din niya, isang gentleman. Hindi siya mareklamo kahit pagod na siya kaya hindi na rin ako nagri-reklamo. Sabi ko, kung siya nga hindi umaangal, bakit magrireklamo pa ako?

"Hindi pa namin nasubukang mag-date ni Richard. Walang panahon. Lumabas kami once pero, hindi isang date, labas lang, marami kaming kasama.

"Minsan, lumabas din kami ni Dennis Trillo. Yun talagang date pero, okay na yung ganun lang. Talagang hindi ko pa feel na muling magkaro’n ng relasyon," dagdag pa niya.

Nakatapos na sila ng Sigaw para sa Metro Manila Film Festival sa ilalim ng direksyon ni Yam Laranas. Isa itong horror film na ngayon lamang siya nakagawa. "Nahirapan ako sa pelikula lalo na dun sa eksena ko na binubugbog ako ng isang multo (Jomari Yllana). Mahirap kasi ako lang mag-isa nun pero, kailangan kong iarte na dalawa kami.

"Gusto kong ma-nominate ang movie, kahit hindi ako, kasi talagang maganda," pagmamalaki niya.
* * *
May libreng palabas ngayong hapon sa SM Bicutan si Rainier Castillo. Promo ito ng kanyang bagong single, "Salamat Sa Pansin". Nung Biyernes, nag-promote din siya rito ng kanyang album sa Universal Records na pinamagatang "I Love You Babe".
* * *
May inoorganisang mega-launch si Babes Rebueno para sa stage play na JC Martin, starring Niño Muhlach at Candy Pangilinan bukas, Oktubre 25, 3:00 NH, sa Megatrade Hall, Megamall. Ang play ay nasa direksyon ni Abet Raz, scriptwriter si Omar Sortejas at production manager si Jones Pangilinan.
* * *
Darating ngayon ang mga survivor finalists ng sikat na reality TV show na Survivors na sina Shii Ann, Ethan Zohn at Jenna Horasca. Sa Huwebes, 6:00 NG, haharapin nila ang isa sa pinaka-matinding challenge sa pagdalaw nila. Sasagutin nila ang mga pasaway na tanong nina Vhong Navarro, Toni Gonzaga at Drew Arellano ng Wazzup Wazzup.

Bukod sa special interview na inihanda sa kanila ng Wazzup Wazzup, mapapasabak din sila sa isang kakaibang challenge sa Thursday episode ng show. Mapapanood ang programa Lunes hanggang Biyernes, 7:00 NG, Studio 23.
* * *
Isinabay na sa pagpunta niya sa US para sa serye ng konsyerto ng Night Of The Champions ang shooting ng music video ni Rachelle Ann Go para sa awiting "You And Me (We Wanted It All)" ka-duet si Christian Bautista.

Direktor ng video si Tim Jimenez tungkol sa magkasintahan at kinunan sa mga scenic spots ng San Francisco at New York. May eksena rito na nag-propose si Christian sa pamamagitan ng pagreregalo ng isang singsing.

Magka-holding hands throughout the shoot ang dalawang singer.

Samantala, muling magkakasama sina Rachelle Ann at Christian sa show ng Viva Concerts na Pinoy Idols na gaganapin sa Araneta Coliseum sa November 19 kasama sina Sarah Geronimo, Mark Bautista, Christian Bautista at Raymond Manalo. Kasama rin sina Sheryn Regis at Frenchie Dy.

Sa lahat ng fans na gustong maka-tsika si Rachelle Ann, just text Rachelle and send to 291.

ABET RAZ

ANGEL LOCSIN

CENTER

CHRISTIAN BAUTISTA

RACHELLE ANN

SIYA

WAZZUP WAZZUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with