Mariel,anim na buwan lang sa 'Extra Challenge'?
October 17, 2004 | 12:00am
Napapanood nyo na siguro sa Extra Challenge si Mariel Rodriguez. Siya ang ipinalit ng GMA-7 kay Ethel Booba bilang segment host ng reality-based show. Six months ang pinirmahan niyang kontrata at mapapanood din siya sa Love to Love.
"Mixed emotions ang naramdaman ko. Sobrang tuwa na may kasamang nerbyos at pressure. Number one show siya at feeling ko, eh pag sumama ang show at bumaba ang rating ay kasalanan ko. I have to do well and do my best. I-a-apply ko rito ang natutunan ko sa Singapore," kwento ni Mariel.
Hindi makakasama sa Canada si Mariel dahil pagpasok niya sa show ay ayos na ang papers nina Paolo Bediones at Ethel Booba. Sa November 8 ang alis ng dalawa kasama ang mga challenger na sina Lorna Tolentino, Toni Gonzaga at Sheryl Cruz.
How does she find Ethel? Hindi ba siya inookray nito gaya nang ginawa kay Phoemela Barranda?
"I love her. Nakakatuwa siya talaga. Aywan kung pang-ookray yun pero, sabi niya sa akin, para raw akong nasasapian dahil hindi ko magawa yung challenges. Sinisi pa ang pagkain namin ng rice," natatawa nitong kwento.
Bitin kami sa ipinalabas na excerpts ng Cabaret sa presscon nito. Paano naman, six songs lang ang ipinarinig ng cast at hindi pa kinanta ang hinihintay naming Cabaret at sa regular run na ng musical nilang gagawin.
Sa gala premiere sa November 4, iniimbita ni Monique Wilson ang press at nakiusap itong tulungan ang New Voice Company na i-promote ang kanilang 10th anniversary presentation. Magsisimula ang regular run nito sa Nov. 5 at tatagal hanggang December 4 sa Music Museum. May additional Thursday evening run ito sa Nov. 25 at Dec. 2 .
Kasama ni Monique sa cast sina Michael Williams, Jamie Wilson, Joy Virata, Leo Rialp, Bonggoy Manahan, Lyn Sherman at John Mulhall. Narito rin sina Tami Monsod, Joel Trinidad, Roselyn Perez, Amparo Sietereales, Jenny Zamora, Lily Chu, Pheona Baranda, Rona Lou San Pedro, Nikki Ventosa, April Celmar, Amiel Mendoza, Elnard Arellano at Jake Macapagal. Sina Monique at Rito Asilo ang director ng musical.
For Adults Only ang musical dahil sa ilang sexually suggestive scenes and movements at political undertone. Kaysa mag-suffer ang musical at baguhin ang blocking, hindi na lang sila magpapapasok ng mga bagets.
Tickets are available at the New Voice Company office (896-6695/896-5497 or 899-0630), all Ticketworld outlets: National Bookstores, Tower Records, Robinsons Dept. Stores, Greenbelt 1 and Glorietta 1.
Nakatawang itinanggi ni Bearwin Meily na nag-inarte siya sa taping ng Mulawin at inaayawan pag malayo ang location. Ayon kay Bearwin, inaalam lang niya ang location para mapaghandaan. Kaso, insider ng tele-fantasy ang source ng tsika kaya, kapani-paniwala.
Kay Bearwin na rin nanggaling na hindi siya dapat nagrereklamo sa trabaho at top rating ang kanyang mga show at tiyak ding magri-rate ang Naks! nila nina Benjie Paras at Erik Mana. Hindi raw nangyari sa kanya sa ABS-CBN ang magkaroon ng three regular shows.
This Sunday na ang pilot telecast ng first magic show sa local TV kung saan, ang galing sa magic ni Bearwin ang kanyang ipapakita. Nine months palang siya natutong mag-magic at coins at cards palang ang kaya ng powers niya. Araw-araw siyang nag-aaral para mas gumaling pa at para na rin sa viewers ng show.
Hindi malaman ng mga kasama ng young actress sa isang teleserye kung matutuwa o maiinis sila sa ugali nito. Sabi ng isang senior actress na katrabaho nitoy, wala silang nakikitang ibang actress na ka-edad nito na kasing-maldita, sutil at pilya ng young actress. Kahit sina Celia Rodriguez at Bella Flores, hindi raw kaya ang mga ginagawa nito.
Alagang okrayin ng young actress ang nakabanggang actor. Nagkakamali ang actor kung akala niyay bati na sila ng young actress nang mag-sorry ito sa kanya dahil harap-harapan kung okrayin siya nito.
Natatawa na lang ang mga kasama sa cast ng young actress kapag sinasabihan na niya ng "bakla" ang nakabanggang actor ng walang sound na naririnig sa kanya.
"Mixed emotions ang naramdaman ko. Sobrang tuwa na may kasamang nerbyos at pressure. Number one show siya at feeling ko, eh pag sumama ang show at bumaba ang rating ay kasalanan ko. I have to do well and do my best. I-a-apply ko rito ang natutunan ko sa Singapore," kwento ni Mariel.
Hindi makakasama sa Canada si Mariel dahil pagpasok niya sa show ay ayos na ang papers nina Paolo Bediones at Ethel Booba. Sa November 8 ang alis ng dalawa kasama ang mga challenger na sina Lorna Tolentino, Toni Gonzaga at Sheryl Cruz.
How does she find Ethel? Hindi ba siya inookray nito gaya nang ginawa kay Phoemela Barranda?
"I love her. Nakakatuwa siya talaga. Aywan kung pang-ookray yun pero, sabi niya sa akin, para raw akong nasasapian dahil hindi ko magawa yung challenges. Sinisi pa ang pagkain namin ng rice," natatawa nitong kwento.
Sa gala premiere sa November 4, iniimbita ni Monique Wilson ang press at nakiusap itong tulungan ang New Voice Company na i-promote ang kanilang 10th anniversary presentation. Magsisimula ang regular run nito sa Nov. 5 at tatagal hanggang December 4 sa Music Museum. May additional Thursday evening run ito sa Nov. 25 at Dec. 2 .
Kasama ni Monique sa cast sina Michael Williams, Jamie Wilson, Joy Virata, Leo Rialp, Bonggoy Manahan, Lyn Sherman at John Mulhall. Narito rin sina Tami Monsod, Joel Trinidad, Roselyn Perez, Amparo Sietereales, Jenny Zamora, Lily Chu, Pheona Baranda, Rona Lou San Pedro, Nikki Ventosa, April Celmar, Amiel Mendoza, Elnard Arellano at Jake Macapagal. Sina Monique at Rito Asilo ang director ng musical.
For Adults Only ang musical dahil sa ilang sexually suggestive scenes and movements at political undertone. Kaysa mag-suffer ang musical at baguhin ang blocking, hindi na lang sila magpapapasok ng mga bagets.
Tickets are available at the New Voice Company office (896-6695/896-5497 or 899-0630), all Ticketworld outlets: National Bookstores, Tower Records, Robinsons Dept. Stores, Greenbelt 1 and Glorietta 1.
Kay Bearwin na rin nanggaling na hindi siya dapat nagrereklamo sa trabaho at top rating ang kanyang mga show at tiyak ding magri-rate ang Naks! nila nina Benjie Paras at Erik Mana. Hindi raw nangyari sa kanya sa ABS-CBN ang magkaroon ng three regular shows.
This Sunday na ang pilot telecast ng first magic show sa local TV kung saan, ang galing sa magic ni Bearwin ang kanyang ipapakita. Nine months palang siya natutong mag-magic at coins at cards palang ang kaya ng powers niya. Araw-araw siyang nag-aaral para mas gumaling pa at para na rin sa viewers ng show.
Alagang okrayin ng young actress ang nakabanggang actor. Nagkakamali ang actor kung akala niyay bati na sila ng young actress nang mag-sorry ito sa kanya dahil harap-harapan kung okrayin siya nito.
Natatawa na lang ang mga kasama sa cast ng young actress kapag sinasabihan na niya ng "bakla" ang nakabanggang actor ng walang sound na naririnig sa kanya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
January 3, 2025 - 12:00am
January 3, 2025 - 12:00am