Inamin ni
Keempe de Leon nang minsang makausap namin na matindi ang crush niya ngayon kay
Angel Locsin. Kaya naman hindi niya pinalalampas na panoorin ang
Mulawin araw-araw. Type niya ang maamong mukha nito at galing sa pag-arte. Nang makita niya ito nang personal kung saan naging guest ito sa
Bahay Mo Ba To? ay lalong nagka-crush ang aktor.
"Hindi lang siya maganda kundi mabait pa. Propesyonal si Angel at mahal ang kanyang trabaho. Kaya umangat ng husto ang kanyang career," sey pa nito.
Sa kabilang banda, hindi lang si Keempee ang may gusto kay Angel kundi gayundin si
Cogie Domingo. Balitang balak niya itong ligawan. Parang kay haba-haba ng buhok ni Angel dahil sa rami ng manliligaw ngayon idagdag pa ang ilang Coca-Cola players.
Kilala sa pagiging prangka si
Anne Curtis at diretso nitong sinabi na hindi sila nagkabalikan ni
Oyo Boy Sotto dahil may bago siyang inspirasyon. Sa kasalukuyang ay lumalabas ito kasama si
Paolo Araneta na kapatid ni
Bianca Araneta.
Mina, Pasok Na Sa Telefantasya |
Taon ni
Carmina Villaroel ang 2004, ratsada ang career niya ngayon. Naging magaling siyang host ng
Sis kasama sina
Gelli de Belen at
Janice de Belen gayundin sa
All About You.
May bago itong afternoon telefantasya titled
Leya, Ang Pinakamagandang Babae sa Ilalim ng Lupa na tinatampukan nina
Nadine Samonte at Oyo Boy.
Kasama rin ito sa
Nuts Entertainment at may entry din sa darating na
Metro Manila Film Festival titled
Enteng Kabisote.
Di Nanonood Ng Sitcom Ng Asawa |
Maraming nagtatanong kung hindi raw ba nagseselos si
Christopher Roxas sa paglalambingan nina
Gladys Reyes at
Wendell Ramos sa sitcom na
Bahay Mo Ba To?. Napaka-sweet kasi ng dalawa kung saan mag-asawa ang papel na ginagampanan nila. May mga eksenang mahigpit na magkayakap ang dalawa at minsan ay dumadapa si Gladys sa likod ni Wendell.
Hindi naman naapektuhan si Chris dahil alam niyang bahagi ito ng trabaho ng kanyang asawa.
Para maiwasan ang pagseselos ay minabuti na lang ni Chris na huwag na lang niyang panoorin ang sitcom.
Aktres, Ipinaayos Uli Ang Retokadong Boobs Sa Tate |
Nagsisisi ang sikat na aktres kung bakit pa siya nagparetoke ng boobs. Sa laki nito ay nabanat ang kanyang balat at nagnaknak ito kaya kailangan niyang pumunta ng Amerika para ipaayos at ipagamot ang niretokeng boobs.
Ngayon ay natatakot siya sa magiging epekto nito balang araw. Sana raw ay hindi na niya ipinagalaw ang kanyang boobs na sumobra ang laki pero hindi bumagay sa kanyang height.
Ang sikat na aktres ay isa sa may magandang mukha sa showbiz pero nanamlay ang career nang iwan ang kanyang home studio na naging malaking issue.