Mabentang artist ng ABS-CBN
October 14, 2004 | 12:00am
First time palang ma-nominate ni John Lapus bilang host. Nominado sila ni Aiai delas Alas bilang Best Game Show Host sa nalalapit na 18th Star Awards for Television para sa programang Sing Galing.
"Sobrang happy talaga ako kapatid," sabi nito. "First time kong ma-nominate kaya masaya ako. Yung ma-nominate lang, masayang-masaya na ako."
Timing naman ang nomination ni John dahil nagbabagong mukha ang Sing Galing. This time, magkasama na sila ni Pops Fernandez.
"Aminin natin kapatid, Pops is Pops! Concert Queen yan! Natutuwa ako dahil I get to work talaga with the best singers and hosts in the industry.
Isa si Sweet (tawag kay John) sa pinaka-in demand na artist ng ABS-CBN Star Magic. Bukod sa TV shows, hindi nawawalan si Sweet ng mall at provincial shows.
"Nakakataba ng puso ang pag-aalaga sa akin ng Star Magic, lalo na ni Mr. M. He sees to it na naaalagaan niya ang mga artista niya," sabi pa ni sweet.
Bukod sa Sing Galing napapanood din si Sweet sa The Buzz at ASAP Mania tuwing Linggo. Para sa mga latest showbiz balita, pwede ninyong i-text ang SWEETALK at matatanggap na ninyo araw-araw ang mga nakakalokang showbiz balita ni Sweet na talaga namang fresh.
Inulan ako ng e-mails mula sa tagasuporta ni Jericho Rosales. Galit na galit ang mga ito kay Cindy Kurleto. Malinaw daw na ginagamit ni Cindy si Jericho at ang ABS-CBN para pag-usapan ito.
Oo nga naman. Imagine, sa presscon ng kanyang workout VCD, ang tungkol kay Jericho ang naging topic ng usapan. Pati ang sama ng loob niya sa istasyong nagbigay sa kanya ng break sa telebisyon ay isiniwalat niya.
Nakakaloka itong si Cindy. Mali ang mga diskarte sa career. Unang-una, never siyang magsasalita laban sa mga taong unang tumulong sa kanya. Walang puwang sa industriya ang mga walang utang na loob.
Pangalawa, ipinalalabas niya na hindi sila magkakabalikan ni Jericho. Eh samantalang noong huling birthday ni Jericho sa Dish sa ABS-CBN eh feeling first lady siya. At nakunan pa ng kamera ang paghahalikan nila. Doon pa lang, sira na ang kredibilidad ng starlet mula sa Vienna, Austria.
Umiral din ang kabastusan ni Cindy dahil kung hindi pa siya binulungan ng isang kakilala, hindi niya babatiin ang mga ABS-CBN executives na naroroon sa party.
At ang hindi pa alam ni Cindy, maraming kababayan niyang Pinoy ang panay ang e-mail sa akin. Sa naturang e-mail, naikwento sa akin kung ano ang background ni Cindy sa Austria.
Kung sino man ang nag-utos kay Cindy na maging ingrata, maling-maling strategy yun. Dahil lahat ng kilala kong artista na nagpakita ng kawalang-utang na loob ay agad na nawawala. Hindi na ako nagtataka kung pulutin sa kangkungan sa pinagmulan niyang bansa itong si Cindy.
Matindi pala ang labanan ngayon for Best Drama Actor sa nalalapit na Star Awards for Television. Nominado ang mga Star Magic artists na sina Diether Ocampo, Piolo Pascual, Jericho Rosales at John Lloyd Cruz.
Ang balita ko, mahigpit ang magiging labanan ngayon. Marami ang naniniwala na pinakamahusay pa rin si Jericho. Some say Piolo pa rin daw. Mayroong hanga sa istilo ng acting ni John Lloyd at ang iba ay ipaglalaban daw si Diether.
Maganda talaga ang choice of nominees ngayon ng Star Awards for TV. Ang apat na nominadong aktor ay mula sa tatlong nagtapos ng teleserye ng ABS-CBN Sanay Wala Nang Wakas, Mangarap Ka at Kay Tagal Kang Hinintay.
Ang 18th Star Awards for Television ay gaganapin sa October 23 sa Aliw Theater. Prodyus ito ng Airtime Marketing, Inc. Si Julie Bonifacio-Gaspar ang president ng Philippine Movie Press Club.
"Sobrang happy talaga ako kapatid," sabi nito. "First time kong ma-nominate kaya masaya ako. Yung ma-nominate lang, masayang-masaya na ako."
Timing naman ang nomination ni John dahil nagbabagong mukha ang Sing Galing. This time, magkasama na sila ni Pops Fernandez.
"Aminin natin kapatid, Pops is Pops! Concert Queen yan! Natutuwa ako dahil I get to work talaga with the best singers and hosts in the industry.
Isa si Sweet (tawag kay John) sa pinaka-in demand na artist ng ABS-CBN Star Magic. Bukod sa TV shows, hindi nawawalan si Sweet ng mall at provincial shows.
"Nakakataba ng puso ang pag-aalaga sa akin ng Star Magic, lalo na ni Mr. M. He sees to it na naaalagaan niya ang mga artista niya," sabi pa ni sweet.
Bukod sa Sing Galing napapanood din si Sweet sa The Buzz at ASAP Mania tuwing Linggo. Para sa mga latest showbiz balita, pwede ninyong i-text ang SWEETALK at matatanggap na ninyo araw-araw ang mga nakakalokang showbiz balita ni Sweet na talaga namang fresh.
Oo nga naman. Imagine, sa presscon ng kanyang workout VCD, ang tungkol kay Jericho ang naging topic ng usapan. Pati ang sama ng loob niya sa istasyong nagbigay sa kanya ng break sa telebisyon ay isiniwalat niya.
Nakakaloka itong si Cindy. Mali ang mga diskarte sa career. Unang-una, never siyang magsasalita laban sa mga taong unang tumulong sa kanya. Walang puwang sa industriya ang mga walang utang na loob.
Pangalawa, ipinalalabas niya na hindi sila magkakabalikan ni Jericho. Eh samantalang noong huling birthday ni Jericho sa Dish sa ABS-CBN eh feeling first lady siya. At nakunan pa ng kamera ang paghahalikan nila. Doon pa lang, sira na ang kredibilidad ng starlet mula sa Vienna, Austria.
Umiral din ang kabastusan ni Cindy dahil kung hindi pa siya binulungan ng isang kakilala, hindi niya babatiin ang mga ABS-CBN executives na naroroon sa party.
At ang hindi pa alam ni Cindy, maraming kababayan niyang Pinoy ang panay ang e-mail sa akin. Sa naturang e-mail, naikwento sa akin kung ano ang background ni Cindy sa Austria.
Kung sino man ang nag-utos kay Cindy na maging ingrata, maling-maling strategy yun. Dahil lahat ng kilala kong artista na nagpakita ng kawalang-utang na loob ay agad na nawawala. Hindi na ako nagtataka kung pulutin sa kangkungan sa pinagmulan niyang bansa itong si Cindy.
Ang balita ko, mahigpit ang magiging labanan ngayon. Marami ang naniniwala na pinakamahusay pa rin si Jericho. Some say Piolo pa rin daw. Mayroong hanga sa istilo ng acting ni John Lloyd at ang iba ay ipaglalaban daw si Diether.
Maganda talaga ang choice of nominees ngayon ng Star Awards for TV. Ang apat na nominadong aktor ay mula sa tatlong nagtapos ng teleserye ng ABS-CBN Sanay Wala Nang Wakas, Mangarap Ka at Kay Tagal Kang Hinintay.
Ang 18th Star Awards for Television ay gaganapin sa October 23 sa Aliw Theater. Prodyus ito ng Airtime Marketing, Inc. Si Julie Bonifacio-Gaspar ang president ng Philippine Movie Press Club.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended