Unlike the other teleserye, malinis ang pagkakagawa ng special effects. Kahit yung mga eksenang lumilipad si Juday, animoy totoo. Lalo na yung pag-angat niya sa lupa.
Bukod sa flying and fight scenes, hahangaan mo ang kwento ng Krystala. Malinis ang mga flashback scenes. Kailangan kasing ikwento kung bakit at paano na-acquire ni Krystala ang kanyang powers.
Lalo akong pinahanga ni Rory Quintos bilang director. Film-like ang treatment ni Direk Rory sa Krystala. Syempre, sa tulong na rin ng iba pang director na sina Trina Dayrit, Mae Cruz at Nuel Naval.
Nabalitaan ko na so far, ang Krystala ang pinakamalaking produksyon ng ABS-CBN. Milyun-milyon na ang ginastos ng ABS-CBN sa pilot episode pa lang.
Kung magpapatuloy ang magandang simula ng Krystala, walang duda na ito na ang mamamayani sa primetime television. Ang maganda kasi sa Krystala, nakuha nito ang pulso ng mga bata. Napatunayan ko ito.
Nang okey na kay Kris, tinanggap na rin ni Alma ang offer. Maganda ang role ni Alma sa Hiram. She plays a villain na paguguluhin ang buhay ni Diana (Kris). Pero ayon kay Alma, may dahilan ang kanyang kasamaan.
At sa The Buzz last Sunday, finally ay nagkita na sina Kris at Alma. Yes, nagkaroon ng one-on-one ang dalawa. Nakakatuwa ang naging takbo ng conversation nila. Kris admitted na siya ang kailangang mag-extend ng hand kay Alma. Pinayuhan naman ni Alma si Kris pagdating sa pag-ibig.
This week ang taping ni Alma for Hiram. Inaasahan na mas magiging kumportable na silang dalawa ni Kris dahil bati na sila.
Matapos makipag-ayos kay Melanie Marquez, kay Alma naman. Its indeed forgiveness time para kay Kris. Dapat lang naman, no! Sa rami ng blessings na dumarating sa kanya.
"Its the first time that a Japanese singer will sing Pinoy novelty songs," sabi ni Ms. Annabelle. "Its also a collaboration of Lito Camo and Christian Marquez, considered kings of novelty songs. Kaya expect na magiging masaya at nakakaaliw ang mga songs sa album."
"Sayaw Ya Chang" ang title ng album na naglalaman ng 6 na original cuts.
Speaking of Ya Chang, nakatakdang i-feature ang lifestory niya sa Maalaala Mo Kaya. Hindi ko pa makumpirma kung sino ang gaganap sa role. Ang balita ko, si Diether Ocampo ang choice ni Ya Chang to play the role. Si Malu Sevilla ang magdidirek ng episode.
Ang nakakatuwa pa kay Ya Chang, gustung-gusto niyang ma-improve ang acting niya. Nag-undergo siya ngayon ng acting workshop under Ms. Beverly Vergel ng Workshop@ ABS-CBN.
Bukod sa MTB: Ang Saya Saya, kasama rin si Ya Chang sa Maid in Heaven. At for a daily updates sa mga ginagawa niya sa buhay, just text in YACHANG at i-send sa 2366. In fairness kay Ya Chang, ang sipag nitong mag-reply sa mga subscribers niya.