Matatapos na rin ang pananabik ng mga fans ng StarStruck dahil ngayong araw na ito ipi-present ang 14 finalists ng original reality-based artista search on television, ang StarStruck 2 na ang pilot telecast ay mapapanood pagkatapos ng telefantasyang Mulawin. So, walang mababago sa primetime slot ng GMA-7. Pagkatapos ng 24 Oras, kasunod pa rin nito ang Extra Challenge, then Mulawin, StarStruck 2 at Forever In My Heart.
So, hindi totoong ang StarStruck 2 ang tatapatan ng anime na Ragnarok ng ABS-CBN at ang kanilang Star Circle Quest ay siyang itatapat naman nila sa Extra Challenge ng GMA-7.
Napahanga naman kami ni Sheryl Cruz. Nang makausap namin siya sa supposed-to-be announcement ni Mother Lily Monteverde na siya na ang napiling gumanap sa role ni Bernadette sa Mano Po 3 (My Love) na nauna pang dumating si Sheryl dahil naipit daw sa traffic si Mother Lily, natatandaan pa niyang lahat ang title ng mga movies na ginawa niya, ganoon din ang mga artistang kasama niya sa bawat pelikula, samantalang almost eight years na siyang nagpahinga sa showbiz.
Huling movie ni Sheryl sa Viva Films, ang Ikaw Naman ang Iiyak with Dawn Zulueta and Charlene Gonzales, at ang direktor nila ay si Joel Lamangan kaya hindi raw naman siguro siya maninibago kay Direk Joel.
When asked kung ano ang masasabi niya sa mga naglabasang issue tungkol sa pagkasali niya sa movie, hindi raw siya nag-react dahil tama raw ang sabi sa kanya ng kanyang Mama Inday (Susan Roces) na hindi siya dapat magsalita dahil wala naman siyang dapat sabihin.
Bilang preparation na niya sa bago niyang movie, nagsimula nang mag-aral ng Fookien at Mandarin si Sheryl under the tutorship of Jubilee na siya ring tumutok sa mga eksena sa Mano Po 1 & 2. Ngayong araw na ito, aalis na ang buong cast ng Mano Po 3 (My Love) papuntang Beijing, China para doon gawin ang pictorial ng movie to be directed by Manny Valera. Si Vilma Santos pala ay ninang niya sa binyag at sa kasal nila ng husband niyang si Norman Bustos.
Halos hindi namin napansin, matatapos na pala ang sinusubaybayan naming Chinovela every 4:00 PM sa GMA-7, ang Twin Sisters (100% Señorita) na mga bida ay sina Jason Hsu, Wallace Huo, Penny Lin and Joe Chan. Ang bilis kasi ng pacing nito. Sa Friday, October 15 na ang final episode nito at tiyak na iiyakan ninyo ang pag-iibigan nina Felicity (Penny) at Wesley (Wallace). Makaligtas pa kaya sa kanyang malubhang sakit si Felicity at magkatuluyan na sila ni Wesley? Parang ayaw na naming nakitang namatay si Penny Lin dahil sa naunang Chinovela na ginampanan niya, ang A Promise of Love at the Dolphin Bay, namatay na siya.
Sa pagtatapos ng Twin Sisters (100% Señorita), makakasabay naman nito ang pagdating sa bansa ng tatlong bida ng ipapalit na Chinovela, ang Snow Angel, na sina Toro, Johnny Yan ng boy band na 5566 at Margaret Wang.
Nag-sorry si Cindy Kurleto sa Red Bull player na si Lordy Tugade. May nagsabi kasi kay Cindy na hinintay daw siya ni Tugade para makapagpa-picture sa kanya, pero dahil maraming lumapit na iba pang players na nagpa-picture din sa kanya, hindi raw niya alam kung kasama roon si Tugade dahil hindi pa niya nami-meet ito personally. Kaya lang, binigyan iyon ng ibang kahulugan ng iba, naintriga pa siyang nanliligaw sa kanya si Tugade.
"Please, theres nothing going on between us," sabi ni Cindy sa launching ng kanyang Curves Cindy Kurletos Sensual Aerobics from Viva Video na release na sa paborito niyang video stores sa October 12. Nahihiya man si Cindy, sinabi niyang hindi niya kilala personally si Tugade dahil first time pa lamang niyang nag-muse sa PBA.