Sa Disyembre ay magbabalikbayan ang kanyang asawa para dito nila ipagdiwang ang Kapaskuhan. Sakaling mag-artista ang kanyang anak na si Ashley Nicole ay papayag silang mag-asawa na bata pa lang ay maruno na ring sumayaw at kumanta.
May kwento nga si She (palayaw ng aktres) tungkol sa anak. "Nang minsang manood kami ng TV ay palabas ang pelikula ko noon kung saan may eksenang inaapi ako ni Ate Vi at sinasampal ako ni Boyet de Leon na nan-rape sa akin. Umiyak nang umiyak ang aking anak sa pag-aakalang sinasaktan ako. Kaya sabi ko sa kanya pelikula lang yun," aniya.
Very supportive ang husband ng aktres sa pagbabalik-showbiz niya.
Akala ng iba ay tahimik si Ariel pero palabiro ito sey pa ng production staff. Nagkwento nga ito nang minsang magising humarap sa salamin at sinabing "ang guwapo-guwapo ko ngayong umaga" pero nang magkita sila ni Richard Gomez sa dressing room at sabay na nanalamin ay nasabi nito ang "pangit ko pala" dahil super guwapo ni Goma.
Inamin ni Keempee na kapag may problema siya ay nilulutas niya itong mag-isa dahil takot sa problema ang kanyang daddy. Ayaw na ayaw daw nito na makakarinig ng problema ayon pa sa aktor.
Fifteen years na sa showbiz si Keempee at kung nata-type cast siya sa pagiging bading ay worth naman ito dahil kumikita siya. "Idol ko si Dad sa gay role at nagampanan ko na ang maging screaming faggot at closet queen. Wala naman akong dapat ikatakot dahil yung tunay na mga lalaki ay magagaling maging bading sa pelikula gaya ni Dick Israel, Ronaldo Valdez, Rez Cortez at ang daddy ko," dagdag pa ng aktor.
Balitang ang bf ng aktres ay kasama rin niya sa isang programa sa telebisyon.