Lizzie McGuire, nasa ABC na!

Ang sikat na teenybooper series sa Amerika ay nasa bansa na!

Mapapanood na ang Lizzie McGuire, ang sitcom na nagpasikat sa teen actress/pop star Hilary Duff, simula sa October 5, Martes, 7:00 NG sa ABC kasama ang ating kababayan na si Lalaine Vergara-Paras na mas kilala bilang Miranda Sanchez, ang kwelang best friend ni Lizzie McGuire. Kamakailan lang ay narito sa bansa si Lalaine para i-promote ang kanyang bagong reality show sa Living Asia Channel.

Ang Lizzie McGuire ay tungkol sa adventures at misadventures ng isang 13-year-old middle-school student na Lizzie na mayroong animated alter ego (a cartoon Lizzie na nagbubunyag ng iniisip niya at nagre-react sa kanyang bawat galaw).

Show comments