^

PSN Showbiz

Isang click na tandem

-
Wagi talaga ang tambalan nina Mel Tiangco at Joey de Leon bilang hosts ng Mel & Joey na napapanood tuwing Linggo ng hapon sa Kapuso Network. Paano’y epektibo sila at tunay na may kredibilidad. Bukod sa pagiging artista sa pelikula at telebisyo’y maraming taon si Joey sa radio. At si Mel, galing din sa radio bago nasingkaw sa news and public affairs sa boob tube. Kumbaga, masasabi na ngang henyo sila sa TV journalism, di ba?

Malamang muli ang episode ngayong gabi. Ito’y ang "Shocker" o mga pangyayari at taong nakagulat sa publiko. Sa "Santo Cristo" ay tampok ang isang grupo ng vigilantes sa Zamboanga City na ang initiation at tinatawag nilang TADTAD dahil ang pagtaga sa kanila’y pinaniniwalaang sakripisyo para sa kanilang Diyos. Isang binatang nakikipag-sex sa kapwa lalaki ang sa "Conan (Muslim Student/Sex Addict)."

Ipi-feature naman ang top shocking showbiz happenings tulad ng miscarriage ni Madam Auring, love affair nina Joey at Kris, pagkamatay ni Miko Sotto, ang pagtakbo ni FPJ sa pagka-presidente at ang paghihiwalay ng landas nina Rosanna Roces at manedyer na si Lolit Solis.

At sa "He Said, She Said," tatalakayin nina Tita Mel at Kuya Joey kasama ng kanilang mga panauhin ang topic na — saan dapat matutunan ng bata ang tungkol sa sex, sa tahanan ba o sa labas ng bahay?

HE SAID

KAPUSO NETWORK

KUYA JOEY

LOLIT SOLIS

MADAM AURING

MEL TIANGCO

MIKO SOTTO

MUSLIM STUDENT

ROSANNA ROCES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with