"Weve always been good friends up to now," sabi niya.
Nilinaw din ni Mico ang balitang niligawan niya si Bea Alonzo.
"Tsismis lang yon, maybe because were together in It Might Be You. Di ko gagawin yon because of the loveteam (Bea and John Lloyd Cruz)," dagdag pa ng younger brother ni Bernard Palanca who admits na wala siyang special girl ngayon. And that even if he feels sad for the failure of the relationship of his brother BJ and Rica (Peralejo) ayaw niyang makialam. "Mas mabuti kung konti lang ang alam ko tungkol sa kanila," paliwanag niya.
Bagaman at malakas ang naging impact ng kanyang role sa It Might Be You, enjoy ang manonood ng TV sa kanyang bagong role bilang music professor ni Iya Villania sa Seasons of Love. Im sure bago matapos ang serye ay mali-link siyang muli kay Iya.
Marami na akong napanood na gay shows pero iba yung Bedazzled hindi lamang sa punto ng konsepto kundi maging sa costume, performance, choreography at direction. Ang ganda!!!
But then hindi lamang bading ang nag-perform kundi pati mga tunay na babae at lalaki, at mga tomboy. Nahilo nga ang audience na makilala ang mga tunay na lalaki at babae sa mga hindi. But then yun ang isa sa misteryo ng The Venue Tower na kailangang ma-solve ng mga pupunta dun, di ba Pocholo?
Bagung-bago lamang ang lugar na maituturing kong may pinaka-magandang restroom at talagang mala-Las Vegas ang ambience sa punto ng entertainment at Italian sa punto ng decor.
Tumatanggap din dito ng multi-purpose events tulad ng concerts, ang ganda at ang luwang ng stage dito, album and product launch, baptismal, birthday, debut, wedding, fashion and hair shows, conferences, reunions, conventions, etc.
May questions kayo? Call kayo kay Pocholo o kay Virgo sa 5322826/5312953, 10:00 NU-8:00 NG.
Araw-araw na siyang napapanood sa MTB: Ang Saya Saya. May sarili na siyang segment sa show, ang "Ang Saya SaYa Chang". Kasama rin siya sa teleseryeng Maid In Heaven. Siya si Jude, may-ari ng isang grocery na nahuhumaling kay Cherrie Pie Picache.
Si Aiai delas Alas ang nakadiskubre kay Ya Chang. Ang gabi-gabing pagi-istambay sa Klownz Araneta na pag-aari nina Aiai, Allan K at Lito Alejandria (na siyang tumatayong manager niya) ang nagsilbing pasaporte niya sa showbiz. Nakapag-guest na siya sa mga programa ng Dos tulad ng Ang Tanging Ina: The Series, Okay Fine, Whatever, Good Morning Kris, Victim at ASAP.
Bukod sa TV, pinasok na rin niya ang recording. Kinuha na siya ng Star Records. Kasalukuyan niyang tinatapos ang isang album dito na nagtataglay ng mga komposisyon ng mga tulad nina Lito Camo at Christian Martinez.
Bago matapos ang taon, isang malaking proyekto ang gagawin ni Ya Chang para sa mga bata. Ito ang paraan niya para magpasalamat sa mga blessing na dumarating sa kanya.
Nasa huling bahagi na ng kanyang Asian Tour si Derek na ang highlight ay ang pagiging presentor niya sa MTV Asia Music Awards.
Taga-Scotland ang 22 taong gulang na si Derek na ang album na "Inescapable" ay naglalaman ng 14 na tracks na ang karamihan ay siya ang nag-compose. Hit dito sa atin ang carrier song nitong "Hurts So Bad" at humahataw na rin ang second single niyang "Alone Again".
Ang Best of Blue concert ay handog ng Smart Buddy, Sony Ericsson, Manila Hotel, Addict Mobile, Skechers, PLDT My Music at Greenwich.