Aiza Marquez, pinag-aagawan nina Danilo Barrios at Warren Austria

Nagpahayag ng interes si G Toengi na mag-audition sa Darna pero, nauna siyang kinuha ng GMA-7 para sa Mulawin. Siya ang pumalit kay Sheryl Cruz sa role ng reyna ng mga engkantada na bumuhay kay Alwina (Angel Locsin).

Sa pagtanggap ni G sa offer ng Ch. 7, ipinakita lang nito na hindi siya nagtanim ng sama ng loob o nagtampo sa network. Nai-report sa Imbestigador ang hindi niya pagpayag na ma-interview nang puntahan siya sa pinagtatrabahuhang bar sa Los Angeles at naiparating ‘yun sa kanya ng kanyang ina.

"Ambush interview ‘yun at nagtatrabaho ako, hindi talaga pwede. I was bartending at ‘di ko pwedeng iwan ang bar. Sabi ng mommy ko, kinunan ako habang palabas ng bar. Pero, wala na ‘yun," paliwanag ni G.

Kahit may ganoong pangyayari, hindi pa rin makalimutan ni G na nagkaroon siya ng regular show sa istasyon (Beh, Bote Nga) at laging kinukuhang guest sa iba’t ibang programa kapag nasa bansa siya.

Incidentally, mukhang matutupad ang wish ni G na hanggang December siya rito dahil pinakiusapan siya ni Vic Sotto na mag-stay hanggang sa opening ng Metro Manila Film Festival para tumulong sa promotion ng Enteng Kabisote. Siya ang gaganap sa role ni Ina Magenta, entry ng OctoArts at M-Zet Films sa filmfest at sa September 24 na siya magsisimulang mag-shooting.
* * *
Para kay Director Chito Roño, hindi malaking isyu ang away ng mga talent niyang sina Danilo Barrios at Warren Austria. Away bata lang daw ang nangyari sa dalawa’t maaayos din.

Nag-away sina Danilo at Warren dahil kay Aiza Marquez na ex-girlfriend ni Danilo. Nalaman kasi nito na kahit karelasyon pa niya ang young actress ay tini-text at pinopormahan na ito ni Warren. Naging daan ‘yun para palayasin ni Danilo sa niri-rent niyang bahay si Warren.

Dagdag pa ni Direk Chito, may mas mababaw pang dahilan na pinag-aawayan ang members ng Streetboys na umaabot sa suntukan at siya pa ang nagri-referee. Tawa ang isinagot ni direk sa tanong kung sino kina Danilo at Warren ang kanyang kinakampihan.
* * *
Sana naman, hindi iyakan ni Yasmien Kurdi ang pambubuking ni Mark Herras sa presscon ng Forever In My Heart na sa grupo ng StarStruck, siya ang pinaka-kuripot. Kwento ni Mark, wala pang nabibiling gamit si Yasmien mula nang magkaroon ng regular show sa GMA-7 dahil lahat ay ex-deal o ‘di kaya’y regalo.

Tatawa-tawa lang si Jennylyn Mercado habang nakikinig sa bida ni Mark na lahat ng gamit ni Yasmien ay libre mula sa cellphone, lap top (parehong bigay ni Dra. Vicky Belo), damit at kung anu-ano pang gamit. Dagdag pa ni Mark, sa kanilang magkakaibigan, sina Yasmien at Rainier Castillo ang unang yayaman dahil parehong kuripot ang dalawa.

"Ako ang dami nang nagastos. Nagri-rent ako ng condo unit at bumili ng car dahil ‘yung van namin, luma na. May mga pinagkakagastusan pa ako," sabi nito.

Hindi lang nakahirit si Mark nang biruin ng press na kuripot din siya dahil sa Starbucks lang niya dinadala at pinapakain si Jennylyn. But in fairness, niregaluhan na ni Mark ng singsing ang nililigawan at ang birthday gift niya rito’y asong Shih Tzu worth P18,000. Gusto pa nga yata nitong bigyan ng Siamese cat si Jennylyn na nagkakahalaga raw ng P24,000.

Kaya nag-wish kaming hindi iyakan ni Yasmien ang item na ito dahil cry baby pala ito at madaling umiyak ‘pag nasasaktan. Remember the Dion Ignacio issue? Nalaman din namin na iniiyakan nito ang mga negative write up na nasusulat sa kanya.
* * *
Patuloy na nagbibigay ng nationwide dance workshop sa mga bata ang Manoeuvres, bilang tulong sa youth development and nation building program ng government. Ang Globe Telecom ang sponsor sa dance workshop na nagsimula noong July at magtatapos sa October.

Nauna nang napuntahan ng grupo ang Los Baños, Laguna at Lipa, Batangas. Tapos na rin sila sa Baguio City, Dasmariñas, Cavite; Tuguegarao, Cagayan Valley; at General Santos, South Cotabato; at Iligan City.

Sa September 23-24, nasa Tacloban City sila, Naga City, Sept. 30-October 1; Zamboanga City, Oct-7-8; Cabanatuan City, Oct. 14-15; at Vigan City, Oct. 21-22. Workshop starts at 2 pm until 5 pm every Thursday, 9 am until 12 NN every Friday. Ang Friday schedule ay sinusundan ng mini-concert.

May 20 years nang magkakasama ang Manoeuvres at bukod sa galing sumayaw at kakaibang mga dance step, kilala rin sila sa dedikasyon nila sa kanilang trabaho at disiplina.

Show comments