Bago siya bumalik ng Pilipinas ay muli niya itong pinuntahan sa bahay nito sa kabila ng alam niyang magiging mahigpit ang mga pamilya nito sa pagtanggap ng mga bisita, para maiiwas ito sa anumang emotional pain na makakadagdag sa karamdaman nito. Pero, si Rio mismo ang nagsabi sa kanyang pamilya na welcome sa kanya si Rachel.
Nung huling dalaw ng magaling na singer bago siya umuwi ng Pilipinas ay kinantahan niya ang kanyang itinuturing na pangalawang ina ng "Hearts Desire," ang awitin na sinulat niya bilang pagbibigay sa matagal nang kahilingan nito. Acapella ang pag-awit ni Rachel na alam niya na na-appreciate ng babae na naging dahilan para mabuo ang kanyang "Hearts Desire" album.
Habang naririto, ipo-promote ni Rachel ang kanyang album mula sa Viva Records.
May performance siyang gagawin sa Tavern On The Square (Set. 21), Robinsons Iloilo, Ratsky Cebu, SM Dasmariñas Cavite (Set. 26) at Ratsky Morato (Set. 30). Sa Okt. 1, lilipad siya ng Sydney, Australia para sa selebrasyon ng The Filipino Channel.
Walang takot kasi silang nagpiktoryal nung Huwebes na suot ang kanilang see-thru kapote na aninag ang kanilang painted at sequinned bodies, sa harap ng Rajah Sulayman Plaza, sa harap ng Malate Church. Dahil pampublikong lugar, dinumog sila ng mga tao, lalaki, babae, bata at matanda. Kinasuhan sila ng indecent exposure, public scandal at binintangang naging dahilan ng pagkakaroon ng mahigpit na trapiko. May banta silang tinanggap na isa sa mga araw na ito ay muli silang ipatatawag dahil sa diumanoy ginawa nilang "pambababoy" sa isang pook na pampamilya at pampubliko.