Syempre halos libre ang talent fee niya dahil ang mga palabas na ito ay upang makalikom ng pondo para sa mga simbahan.
"Kadalasan, may mga idadagdag na portion sa isang church," Basil recounted. "Kung minsan naman para ma-repair ang mga sirang bubong, kampanaryo o kayay para pagandahin ang main altar."
Kahit ano pang dahilan, nakahanda naman si Basil Valdez sa mga ganitong imbitasyon sa kanya, bastat for a worthy cause.
Meron lang nakapagsabi sa kanya na dapat bumalik na siya sa mainstream para higit na maraming tao ang maabot niya.
"Tama naman kasi ang music has the power to heal and uplift the soul," wika ni Basil. "Kaya ngayon full-time singer na naman ako."
Sampung taon din siyang naging healer at sa panahong ito ay lubhang naiba ang linya niya sa showbiz. Marami siyang mga taong natulungan, pero kailangan tumigil din siya sa gawing ito.
"Its physically and mentally draining," sabi niya. "Hindi birong energy ang ginagamit para magbigay ng concentration at sapat na power para magpagaling ng mga tao."
Siguro gusto rin ng Diyos na magpatuloy ng pagkanta si Basil dahil ang mga mensahe naman ng kanyang mga kanta ay nagpapasigla rin ng ating mga katawan at kaluluwa.
After 30 years as a leading song artist, makakasama niya for the first time si Rico Puno sa isang major concert billed as The Way We Were, ipapalabas sa Araneta Coliseum sa October 8.
Available na ang tickets sa SM Ticketnet at maari ring tumawag sa 911-5555.
Kung susumahin ang rating ng dalawang palabas, 70 percent na! Ibig sabihin, ganoon karami ang nanonood kapag palabas ang magkatapat na programa.
Ang biruan nga ngayon sa industriya, baka naman biglang magkaroon ng pakpak si Marina at lumipad na rin tulad ng mga Mulawin.