Ayon pa sa Songbird ay di pa naman nakakadalaw si Gelli sa taping nila at welcome naman itong dumalaw. Wala naman daw problema at walang dapat i-worry si Gelli dahil matagal na raw natapos yung tungkol sa kanila ni Ariel. Wala na raw yon. At okey na rin daw sila ni Gelli. Kaya wala nang dapat maging isyu sa kanilang tatlo.
Nilinaw din ni Regine, na never na ini-offer sa kanya ang Darna series sa TV. Ang ini-offer raw sa kanya ay ang Darna sa pelikula at totoo raw na gusto niyang gawin yon.
Pero kung io-offer man daw yon sa kanya ngayon, imposible na raw niyang magagawa yon dahil busy na siya sa Forever In My Heart, SOP at Pinoy Pop Superstar.
At pinaghahandaan na rin niya ngayon ang kanyang nalalapit na solo concert after four years, na gagawin sa December 3 and 4 sa Araneta Coliseum.
Todo preparasyon na si Regine. As if yun na ang kanyang last concert. Ganun daw lagi si Regine, lagi niyang sinasabi na last show na niya ang mga concerts niya.
Trentay tres anyos na si Regine, pero hanggang ngayon ay loveless pa rin siya. Hindi pa raw niya nakikita si Mr. Right, pero ayaw naman daw niyang magpakatandang dalaga. Busy lang daw siya talaga sa kanyang trabaho. Boy Romero