Bakit namin ito nasabi? Dahil ang timeslot na alas-onse ng umaga ay identified kay Ms. Tessie, remember Teysi ng Tahanan? Di bat ilang taon ding namayagpag ito sa ere?
Kaso, anong ginawa ng mga panginoon sa Dos, napulitika si Aling Teysi at ibinigay ang timeslot sa mga talent nilang malalakas din sa management na wala namang nangyari dahil laos sa ratings.
At dahil may existing contract pa si Ms. Tessie ay inilagay siya sa alas-otsong timeslot na ayon naman sa kanya ay, "Na-challenge ako kaya ko rin tinanggap ang oras na yun, although napataas ko ang ratings, pero hindi katulad ng inaasahan. Kasi naman, sinong gigising ng ganung kaaga, e, ang followings ko at that time nasa palengke, unlike the eleven oclock, nagluluto at may time nang manood," esplika ng kalabang mortal ni Ronaldo Valdez sa Bahay Mo Ba To?
Ayaw naming sabihing palpak ang desisyon ng Dos, pero nung tanggalin nila si Aling Teysi at ang Talk TV na mataas din ang ratings nung hindi pa nagre-replay ay nakarma na ang mga sumunod na programa dahil hindi na umalagwa pa sa ratings kumpara sa katapat nitong programa.
Say nga namin kay Aling Teysi kung hindi ba uli inalok sa kanya ang dating timeslot ay "Hindi naman at mukhang wala silang balak, soap opera ang inalok sa akin," mabilis niyang sagot.
"Ang uso raw kasi ngayon, mga bata na ang hosts at topics, medyo modern na, e, hindi nila alam, mas marami pa rin ang naghahanap ng mature at adult na programa. Well, hintayin natin kung ano ang ibigay ng Siyete," dagdag pa niya.
May offer daw ang Maalaala Mo Kaya na gawin ang lifestory niya, pero hindi raw niya ito gagawin dahil nakiusap ang dati niyang asawa na huwag i-feature ang buhay niya dahil ayaw daw ni Mr. Tomas na muling maungkat ang matagal na kabanata ng buhay nila at dahil may sarili na rin itong pamilya.
"Buhay na lang ni Leila Hermosa (mother ni Ms. Tessie) at dito sa GMA 7 ko gagawin dahil nandito na ako." nangiti niyang sambit. R.BONOAN