Hindi ba siya nahihirapang mag-portray ng gay role?
"Okay lang dahil nalalaro ko ang karakter. Gaya ni dad (Joey de Leon) magaling din siyang maging bading, di ba? Idol ko siya dahil sa pagiging dedicated niya sa trabaho," sey ni Keempee.
May seven year-old daughter na ang aktor na nagngangalang Samantha at non-showbiz ang ina nito. Loveless ito ngayon at naghahanap pa rin ng tamang babae na makakasama niya habang buhay.
Nilinaw nito ang isyu tungkol sa diumanoy pagpapa-abort niya sa States kaya nawala siya pansamantala sa Lagot Ka, Isusumbong Kita.
"Nagkaroon ako ng show sa San Francisco ng tatlong linggo pero never akong nagpa-abort. Nagpaalam ako sa aming EP at alam nitong nag-show ako sa abroad. Pagbalik ko naman ay tumuloy ako sa Boracay. Sakaling may mabuong bata ay itutuloy ko ang pagbubuntis. Initially nagulat ako sa intriga," sey ng magandang aktres.
Loveless siya ngayon pero kumpleto ang kanyang manliligaw pagdating sa kani-kanilang edad. "May nanliligaw sa aking bagets, binata, may-asawa at kahit DOM pero type ko yung walang sabit," dagdag pa nito.
Breadwinner ng pamilya si Maureen. Napag-aral nito ang kapatid at nakabili ito ng bahay dahil nag-loan sa bangko.
Tapos na nitong gawin ang Santa, Santita na launching movie ni Angelica Panganiban. May kissing scenes sila dito ng aktres.
Malakas ang dating ng babae kaya kahit sino ay mai-in love dito. Magkasama ang dalawa sa programa kaya di maiwasan na magkalapit ng loob sa isat isa. Nagbiro nga ang mga bading na kapatid sa hanapbuhay na swerte naman ng TV host dahil natikman niya ang labi ng young actor na pinapantasya ng kabataan at matrona.