Natawa lamang si Norma pero di na umimik. Alam kasi nito ang kalibre ng kanyang alaga, na walang pinapatawad pagdating sa stage. Sinu-sino ba yung mga personalidad na nanood ng Greatest Hits concert (twice sa Araneta, six times sa Music Museum at kung ilang ulit sa maraming estado sa US)? Hindi ko na sila matandaan. Ang natatandaan ko lamang ay sa halip na mabastos sila o mainsulto, tinawanan na lamang nila ang mga green jokes ni Rico J dahil showtime lamang ang lahat. O katuwaan nga lang ba?
Enjoy ang people na pagtawanan ang kapansanan ni Nonoy Zuñiga na first time namin nalaman kung bakit naputol ang isang paa.
Yung pagiging probinsyano ni Rey Valera, yung pagbibigay ng titulong Kilabot ng mga Kolehiyala kay Hadji Alejandro at pati ang pagkatalo ni Marco Sison sa pulitika ay ginawang katatawanan ni Rico nang walang nagagalit o napipikon sa mga nakasama niya.
Im sure sa October 8, di rin paliligtasin ni Rico J. si Basil sa kanilang unang pagsasama sa isang concert stage na pinamagatang The Way We Were. Tanggapin din kaya ng napaka-seryosong recording artist na pumantay din ng kasikatan kay Rico, bagaman at mas naunang maging singer si Rico sa kanya ang mga gagawing pagbibiro sa kanya ni Rico? Narinig ko na okay naman ito kay Basil, bagaman at naglagay yata ito ng limitasyon.
Si Rico, bibigyan mo ng limitasyon? Parang sinabi mo na ring huwag na siyang mag-show. O mag-recording na lamang siya. Sapagkat maging ang isang seryosong singer na tulad ni Basil na may 10 taong tumigil sa main stream ng recording nang magpasya itong kumanta na lamang sa mga simbahan at manggamot ay HINDI sasantuhin ng isang Rico J. Puno.
Im sure, hindi lamang ang mga magagandang awitin na kung saan nakilala si Rico ang dinadayo ng mga manonood. Aliw ang Pinoy sa mga green jokes nito, mapa-babae man, lalaki, bata o matanda, dito man sa ating bansa o sa labas nito.
Ang The Way We Were ay isang kaabang-abang na konsyerto, if only for the fact na magpapalitan ng awitin sina Rico at Basil, magdu-duet din sila at maggi-gitara.
Kung tutuusin, maaaring ituring ang konsyerto na isang showdown nina Rico at Basil. Wala silang guest dahil baka hindi nila makanta lahat ng hits nila ("The Way We Were", "Kapalaran", "Damdamin", "Lupa", "Ang Taoy Marupok", "Ganyan Pala Ang Magmahal", Macho Guwapito", "Together Forever" kay Rico at "Hanggang Sa Dulo Ng Walang Hanggan", "Ngayon", "Paano Ang Mangarap", "Gaano Kadalas Ang Minsan", "Kastilyong Buhangin", "Iduyan Mo", "Lift Up Your Hands" kay Basil, kung may iba pa silang kasama.
Ang concert ay isang Viva Concerts presentation sa direksyon ni Al Quinn. Mabibili ang tiket sa halagang Patron A P1,500, Patron B P1,200, Lower Box P1,000, Upper Box A P400, Upper Box B P250 at General Admission P100 sa Araneta Coliseum at SM Ticketnet. Tumawag sa 9115555.
Kung di nyo pa alam, isang magaling na singer ang seksing komedyante na si Ethel Booba kaya makakaasa ang lahat ng manonood ng isang gabi ng magagandang musika, katatawanan at mga maaanghang na jokes. This time, si Booba naman ang magiging biktima ni Coriks.
Kasama rin ang Montserrat Male Choir at Star In A Million runner-up OJ Mariano.