"Ibang klase," sabi ni BKK supervising producer Julie Ann Benitez. "Hindi namin ini-expect na ganun karami ang taong pupunta. Mahirap at talagang madugo na gawin ang ganung ending pero pinanindigan na namin."
Kahit ang isa sa director ng BKK na si Tots Sanchez-Mariscal, nahirapan din sa set-up ng mga eksena.
"Truth is, action scene talaga dapat yon," kwento nito. "But since talagang mahirap dahil sa rami ng tao, imposible. Naging unruly din kasi ang crowd. Mahirap kontrolin."
Nagpapasalamat ang ABS-CBN sa mga tagahanga ng Bastat Kasama Kita sa suportang nakuha nila. Consistent ito sa pagiging toprater. Sa katunayan, nagtala ng 45% rating ang Bastat Kasama Kita sa final episode nito.
Tulad ng ibang teleserye ng ABS-CBN, naitala na naman sa history ng Philippine television ang Bastat Kasama Kita dahil sa kakaibang pagwawakas nito.