Patrick, kinukulit si Shaina

Nagulat si Shaina Magdayao nang mabasa niya sa isang tabloid (hindi sa PSN) na nakipagkita siya kay Patrick Garcia two Sundays ago sa chapel ng Intramuros Village, QC kung saan daw nakatira si Shaina.

Ayon pa sa kwento ay malakas daw ang ulan noon at nakaparada ang Ford Expedition ni Patrick at maya-maya nga raw ay lumapit si Shaina na pinapayungan ng katulong.

Nang mabasa namin ang write-up ay hindi na namin ito pinansin dahil hindi naman totoo dahil kilala namin si Shaina na hindi ’yan lumalabas ng bahay para makipagkita sa lalaki. If ever ay papapasukin niya yon sa loob ng bahay nila. Kaya naman nu’ng tanungin namin siya ay expected na namin ang reaction niya dahil hindi maganda para sa isang tulad niya ang lumalabas na balita.

First and foremost, sa North Susana Village nakatira sina Shaina at ang sinasabing chapel sa Intramuros ay napakalayo sa North Susana at mula sa gate din ng North Susana ay bibilang pa ng anim na kanto at bandang gitna pa nakatirik ang bahay ng pamilya Magdayao. Kaya’t ’yung nasulat na nakapayong at kasama ang katulong ay lumalabas na naglakad ang bagets, imposibleng mangyari talaga dahil kapag nag-taxi ka, P35-40 ang patak ng metro, so ganu’n kalayo.

At napag-alaman din namin na nangungulit nga raw si Patrick kay Shaina dahil maski na wala itong taping sa Seasons of Love ay bigla na lang itong sumusulpot na ikinagugulat ng lahat ng staff ng naturang programa.

Nakakagulat lang dahil katorse lang si Shaina at beinte tres na si Patrick.
Hindi Nambibitin Ng Trabaho Si Kai!
Nakita namin si Kai Brosas sa Dencio’s Grill last Sunday night at inalam namin ang tungkol sa di niya pagsipot sa taping ng Marinara at kung truliling nagtampo siya dahil hindi nasunod ang ipinangakong role niya sa fantaserye ni Rufa Mae Quinto bilang bestfriend.

"Di naman, patapos na kami at saka hanggang doon na lang ang role ko, ’yung di ko nasipot na taping, ipinaalam ko kasi may show ako, pero nitong last taping day, sumipot na ako.

"Naiiba kasi ’yung taping day nila, kaya di ko nasipot. ‘Yung tungkol sa role, hindi naman ako ang kinausap, ang manager kong si Boy Abunda at ’yung personal manager kong si Jonathan, sila ang nakakaalam kung ano talaga ang role ko. Kung ako ang personal na tatanungin, hindi ako namimili, trabaho ’yun at sayang ang datung," paliwanag ni Kai sa amin.

Nilinaw din niya ang hindi niya pagsama sa production numbers ng cast ng Marinara sa nakaraang Grand Fans Day ng GMA 7 na ginanap sa Folk Arts Theater.

Siya raw ang host ng buong affair kaya’t feeling niya ay hindi na siya dapat ka-join pa sa production number, pero kung sinabihan daw siya na sumali siya ay walang problema.
Richard Bonnin, Magtatapos Na Ng Nursing!
Nakausap namin si Mommy Elvie Gonzales tungkol sa isyung hiwalayan nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales na diumano’y galing daw kay Ms. Amalia Fuentes.

Ayon kay Mommy Elvie ay "Alam mo naman si Amalia, hindi na tumigil, umpisa pa lang ganyan na siya, pati nga anak niya hindi niya kasundo," umpisa niya sa amin.

Naawa nga rin daw si Mommy Elvie kay Kristine Hermosa dahil nadadamay ito sa isyu gayung dalagang tao ito.

"Hindi totoo ’yun, you can always visit them at Alabang, they’re having fun, but they’re gonna clear the issue sa TV Patrol para matapos na," say pa sa amin.

Very family man daw si Aga at hangga’t maari ay ayaw patulan ang mga intriga dahil baka lalong lumaki.

Samantala, masayang ibinalita rin ni Mommy Elvie na ang nag-iisa niyang anak na lalaking si Richard Bonnin na nasa America ay malapit nang magtapos ng kursong nursing at wala pa ring asawa hanggang ngayon.

"Akala ko nga, si Richard ang unang mag-aasawa, hindi pala, hayun magtatapos na ng nursing at mabuti naman dahil highest paying job ngayon ang nurse sa States," kwento pa uli sa amin. Reggee Bonoan

Show comments