Huwag na nating gatungan si Sheryl
September 13, 2004 | 12:00am
Napapansin ko na marami agad intrigang ipinupukol kay Sheryl Cruz. Huwag naman sana, kawawa naman ang bata. Wala naman siyang masamang hangarin nang magbalikbayan siya at muling harapin ang showbiz. Hintayin na lang natin kung ano ang paliwanag niya. Hwag natin siyang pangunahan o husgahan.
Hintayin natin na sa kanya manggaling kung ano ba talaga ang plano niya sa kanyang pagbabalik sa showbiz.
Hwag na nating gatungan pa ang mga lumalabas na bali-balita sa mga taong gusto lang sumakay sa isyu. Hwag din tayong mandamay ng mga taong hindi naman kasali o walang kinalaman sa problema ni Sheryl. Masaya na sana ang pagbabalik ni Sheryl tapos biglang naglalabasan ang mga negatibong isyu sa kanya. Pero sigurado akong hindi na bago sa intriga itong si Sheryl. Ang dasal ko lang, maging maayos na uli ang lahat.
Mabuti naman at muling nagbukas ang pinto ng SM management sa pagpapalabas ng mga sexy movies sa kanilang mga sinehan.
Pero tama ba ang narinig ko na sa mga pelikula lamang na inaakala nilang kikita sa takilya ang maaari nilang payagang ipalabas?
Sino ba ang makakasiguro na kikita ang isang pelikula? Yun ngang matinong movie na pinagbuhusan ng panahon ng mga beteranong mga direktor at artista eh nilalangaw pa sa takilya?
Alam naman nilang kapit sa patalim ang mga manggagawa ng movie industry. Dapat ang isipin natin ay ang isalba ito at hindi yung mga kanya-kanyang interest. Sana naman, makita nila kung ano na ang nangyayari sa industriya.
Kung magbibigay sila ng pamantayan eh yung pantay-patay. Alam naman ng mga producer ang masama at mabuti kaso hindi nga kasi patas ang labanan. Sa lahat ng sektor ng pamumuhay dapat pantay.
Sana sa muli nilang pag-uusap ay mapag-aralan nilang mabuti ang bawat hakbang. Hindi yung may nasisilip silang hindi makatarungan na pagtrato sa mga film producers, lalo na sa sumusugal sa bawat proyekto.
Babalik pa rin tayo sa mungkahing ibigay ng SM ang trabaho sa MTRCB. Ang ahensiyang ito ang magsi-censor ng mga pelikulang dapat ipalabas sa mga sinehan.
Bakit tayo magsasara ng pinto sa mga producer na ang hangarin ay makatulong sa industriya? Marami nang producer na hindi pumapayag sa mga malalaswang pelikula.
Isipin din nating maraming maaapektuhan hindi lamang mga artista, director, producer kundi maging ang maraming maliliit na manggagawa sa industriya.
Bagamat noong isang linggo pa naihatid sa huling hantungan si Dely Atay-Atayan, naisip ko lang na mabuti naman at bago siya pumanaw ay nakapagbigay pugay tayo sa mga kontribusyon niya sa larangan ng pagpapatawa.
Marami pa sana tayong mabigyan ng parangal sa mga artista na naging bahagi ng ating sining at kultura. Kung saan habang buhay pa ang mga artista natin, malaman nila na mayroon pa ring nagbibigay halaga sa kanilang talento at kontribusyon sa industriyang Pilipino.
Muli ipinahahatid ko ang aking taos pusong pakikiramay sa pamilyang naiwanan ni Dely.
Gusto ko palang batiin ang anak kong si Sharon Cuneta para sa kanyang new baby girl. Naku anak, huwag kang susuko na mag- try uli para magkaroon ng baby boy sa susunod.
Shawie anak, bilis-bilisan mo ang pagpapayat dahil marami nang fans ang nakaka-miss sa iyo sa TV at maging sa movie. Im sure magiging malaki na naman ang muli mong paglabas sa show o gagawin mong movie. Talaga namang nakaka-miss ang iyong mga ngiti at halaklak na hinahanap na ng mga manood.
Muli congrats sa inyong dalawa ni Kiko.
Hintayin natin na sa kanya manggaling kung ano ba talaga ang plano niya sa kanyang pagbabalik sa showbiz.
Hwag na nating gatungan pa ang mga lumalabas na bali-balita sa mga taong gusto lang sumakay sa isyu. Hwag din tayong mandamay ng mga taong hindi naman kasali o walang kinalaman sa problema ni Sheryl. Masaya na sana ang pagbabalik ni Sheryl tapos biglang naglalabasan ang mga negatibong isyu sa kanya. Pero sigurado akong hindi na bago sa intriga itong si Sheryl. Ang dasal ko lang, maging maayos na uli ang lahat.
Pero tama ba ang narinig ko na sa mga pelikula lamang na inaakala nilang kikita sa takilya ang maaari nilang payagang ipalabas?
Sino ba ang makakasiguro na kikita ang isang pelikula? Yun ngang matinong movie na pinagbuhusan ng panahon ng mga beteranong mga direktor at artista eh nilalangaw pa sa takilya?
Alam naman nilang kapit sa patalim ang mga manggagawa ng movie industry. Dapat ang isipin natin ay ang isalba ito at hindi yung mga kanya-kanyang interest. Sana naman, makita nila kung ano na ang nangyayari sa industriya.
Kung magbibigay sila ng pamantayan eh yung pantay-patay. Alam naman ng mga producer ang masama at mabuti kaso hindi nga kasi patas ang labanan. Sa lahat ng sektor ng pamumuhay dapat pantay.
Sana sa muli nilang pag-uusap ay mapag-aralan nilang mabuti ang bawat hakbang. Hindi yung may nasisilip silang hindi makatarungan na pagtrato sa mga film producers, lalo na sa sumusugal sa bawat proyekto.
Babalik pa rin tayo sa mungkahing ibigay ng SM ang trabaho sa MTRCB. Ang ahensiyang ito ang magsi-censor ng mga pelikulang dapat ipalabas sa mga sinehan.
Bakit tayo magsasara ng pinto sa mga producer na ang hangarin ay makatulong sa industriya? Marami nang producer na hindi pumapayag sa mga malalaswang pelikula.
Isipin din nating maraming maaapektuhan hindi lamang mga artista, director, producer kundi maging ang maraming maliliit na manggagawa sa industriya.
Marami pa sana tayong mabigyan ng parangal sa mga artista na naging bahagi ng ating sining at kultura. Kung saan habang buhay pa ang mga artista natin, malaman nila na mayroon pa ring nagbibigay halaga sa kanilang talento at kontribusyon sa industriyang Pilipino.
Muli ipinahahatid ko ang aking taos pusong pakikiramay sa pamilyang naiwanan ni Dely.
Shawie anak, bilis-bilisan mo ang pagpapayat dahil marami nang fans ang nakaka-miss sa iyo sa TV at maging sa movie. Im sure magiging malaki na naman ang muli mong paglabas sa show o gagawin mong movie. Talaga namang nakaka-miss ang iyong mga ngiti at halaklak na hinahanap na ng mga manood.
Muli congrats sa inyong dalawa ni Kiko.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am