Iginigiit ng mga maliliit na film producers na kumikita ang mga pelikulang bold. Totoo namang kumikita sila ng barya-barya, at kuntento na sila sa maliit na kita dahil wala naman halos puhunan ang mga bold films. Tinatapos yan ng halos labindalawang rolyo lamang ng negatibo, mura ang mga artista, wala halos location, wala rin namang costume at ang promo ng mga pelikulang yan ay binabalasubas din naman.
Sa liit ng puhunan nilang inilalabas, kumikita rin sila. Pero papaano naman ang mga sinehan kung ang kikitain nila ay barya-barya lamang, eh malaki ang gastos nila lalo na ngayong tumaas na ang singil sa kuryente, at tataas pang lalo bago matapos ang buwang ito? Natural mas malaki na ang kanilang operating cost, eh kung ang ilalabas nila ay mga pelikulang bold na hindi rin naman kumikita, papaano?
Aywan kung sino naman ang nagbibigay ng maling impormasyon na ang bumubuhay sa industriya ng pelikulang Pilipino ay yang mga pelikulang bold. Ang totoo simula nang mauso ulit yang mga bomba, lalong bumagsak ang industriya ng pelikula dahil ayaw nang payagan ng mga concerned parents ang mga anak nila na manood ng mga pelikulang Pilipino na halos puro kalaswaan.
Simula noong gumawa sila nang gumawa ng mga pelikulang malalaswa, lalong bumagsak ang industriyaat hindi na nakabangon. Papaano nga pinaliit nila ang market ng pelikula. Basta ang pelikula ay naging R-18,maliit na ang market niyan. Kaya nga lalong bumagsak ang industriya.
Ayaw naming isipin na parusa na rin yan ng Diyos dahil puro kalaswaan ang ginagawa nilang mga pelikula.
Sabi nga ni Fanny, ginawa rin niya ang video na iyanpara sa marami pang mga baguhang make up artists, nakung manonood lamang daw ng kanyang video ay maraming bagay na matututuhan dahil wala siyang itinagong sikreto. Itinuro niya ang lahat ng kanyang natutuhan sa loob ng 30 taon na niyang pagiging make up-artist ng mga stars doon sa video na iyon. Ang kwento pa niya, walang daya ang nasabing video.Makikita mo mismo ang naging transformation ng mga modelong nilagyan nila ng make up, para mapatunayanngang mahusay ang sistema na kanilang itinuturo.