^

PSN Showbiz

Dino Guevarra, niloko ng mga leader sa pulitika

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Literal palang naloko si Dino Guevarra ng mga pinagtiwalaan niyang mga campaign leaders last election. Since independent candidate nga siya, nag-hire siya ng mga sarili niyang leaders na tutulong sa kanya sa kampanya. Ang kaso naman, sinamantala siya dahil nga wala pa siyang experience. Lahat ng hingin sa kanyang pera, bigay siya nang bigay, kasi ang sinabi sa kanya ng mga nag-encourage sa kanyang tumakbo ay malaki ang sweldo ng isang councilor as in hundred of thousands hoping na mare-recover niya ‘yun once na ma-elect siya. Later na lang niya na-realize na ang sinasabi pala sa kanyang sweldo ay illegal at ang totoong sweldo ng isang elected councilor ay wala pang P20,000.

"Nag-all out talaga ako kasi nga akala ko, malaki ang sweldo ng councilor. Lahat ng hiningi nila sa akin na suporta, binigay ko talaga. Let’s say, may isang leader na pupunta sa akin, may dalang tao tapos sasabihin niyang lahat ng kasama niya, sa akin na raw, so binibigyan ko talaga," recalls Dino after ng presscon ng Bahay Mo Ba To?, ang newest comedy show ng GMA 7 na magi-start mapanood sa Sept 14, Tuesday, kapalit ng All Together Now.

Ang ending, naibenta niya ang eight unit of cars at naubos ang minana niyang P3.2 M sa kanyang nasirang ama. Naisanla rin niya ang tatlong bahay at lupa na ang isa ay natubos na niya.

Pero ang masakit lang sa nangyari, no. 11 siya sa ranking. Hanggang walo lang ang uupong konsehal kaya sumusumpa siya ngayon na hindi na siya uli mag-aambisyong pumasok sa pulitika. "Ayoko na, magko-concentrate na lang ako sa career ko," he said.

Never na pumasok sa isip niya na matatalo siya sa nasabing election dahil nga ang mga kababayan niya ang nagbigay ng idea sa kanya na tumakbo siya. "Doon na kasi ako lumaki sa Parañaque, so sila ang nagsasabi na tumakbo ako, kaya ko raw," kwento pa ni Dino.

Pero ganyan talaga sa pulitika, hindi mo alam ang mangyayari kahit na nga gumastos siya ng malaki sa kampanya para makipagsabayan sa mga malalaking kandidato. "Kumpleto ako no’n sa lahat ng materials ng kandidato, para nga ako no’ng tumakbong mayor sa ginamit kong pera sa kampanya."

Kaya after the election, wala siyang choice kundi ang mag-trabaho at tamang-tama naman na dumating ang 30 Days. Dahil may talent at deserving naman siya na bigyan ng second chance, nag-win siya. Aside from P300,000 na cash prize, may one year contract (exclusive) siya sa GMA.

Bukod sa Bahay Mo Ba To?, regular din siyang napapanood sa SOP every Sunday although hindi niya alam kung nakapag-usap na ang kanyang manager na si Ms. Dolor Guevarra at GMA management kung regular na nga siya sa nasabing noontime show ng GMA 7.

Meron din siyang Joyride. Pero once pa lang siya nakakapag-taping.

Tungkol naman sa kanila ni Kim (delos Santos), 25 lbs na raw ang weight na na-loss ni Kim. Pinagsasabay daw kasi nito ang pagba-badminton at pagi-gym kaya mabilis itong pumayat.

Plain housewife lang si Kim at inaalagaan nito ang eldest son niya who is five years old now.
* * *
Certified Kapuso na si Tessie Tomas. Although per show lang ang contract niya sa GMA, dito naman siya babalik sa comedy na matagal na niyang na-miss gawin. Nag-concentrate kasi siya no’n sa talk shows na sinabi niyang hanggang ngayon ay ipinagmamalaki niya dahil alam niyang kahit wala na siya sa ere, marami pa rin daw lumalapit sa kanya para sabihin na marami silang natutuhan sa kanyang show. "At least maipagmamalaki ko na maraming natutuhan ang mga manonood sa show ko. Hindi sila na-entertain dahil may kumakanta o naghihintay lang sila ng regalo kaya sila nanonood ng show," pahaging ni Aling Teysi kahit sinasabi niyang wala siyang pinariringgan.

Kahit hindi aminin ni Aling Teysi parang may himig ng sama ng loob ang dating talk show host. Nang i-launch kasi ang huling show niya sa ABS-CBN, 10:30 a.m. slot biglang pumasok ang show nila Kris Aquino na Morning Girls. So nagulo ang schedule nila kaya sa maagang time slot siya napunta. Eh masyadong early kaya hindi nag-click. Ang ending, nawala ang show.

After that, hindi na uli siya nagkaroon ng show. May offer naman, para sa dalawang soap opera pero gusto naman niyang magpatawa or talk show uli sana. Pero hindi nag-materialize kaya nang dumating ang offer ng GMA para sa Bahay Mo Ba ‘To?, hindi siya nag-second thought na tanggapin dahil ito nga ang gusto niyang gawin. Prior to Bahay... lumabas na siya sa mga comedy shows ng GMA.

At any rate, simula na sa September 14 ang walang kapantay na tawanan na ihahatid sa inyo ni Tessie at ni Ronaldo Valdez na dati rin nating napapanood sa ABS-CBN sa kanilang pagganap bilang magkapatid na lumaking nakikipag-kompetisyon sa isa’t isa. Nang manahin ng magkapatid ang Casa Mulingtapang mula sa kanilang yumaong ina, lumala na ang kompetisyon ng dalawa dahil sa kanilang paghahati ng bahay sa gitna.

Ito ang pagbabalik ni Tessie sa pagpapatawa bilang si Baby Mulingtapang-Benoit, ang mas may kayang Mulingtapang na nakapag-asawa ng Italyano na sinusustentuhan siya mula sa Italy. Kaya naman naging mayabang si Baby, lalo na pag may padala ang asawa, subalit kuripot naman ito. Sinisiguro rin niya na ang kanyang bahagi ng bahay ay mas maayos at maganda kaysa sa bahagi ng kapatid niya. Pero hindi naman din magpapahuli si Nene Mulingtapang (Ronaldo Valdez) na kahit may-ari lamang ng sari-sari store at kitang-kita sa kanyang bahagi ng bahay na mas mahirap siya, kailangang meron din siya ng mga appliances na meron si Baby.

Siguradong kakili-kiliti ang Bahay Mo Ba ‘To? dahil binubuo ang cast nito ng mga beterano at bagong mukha sa mundo ng komedya. Kasama rito sina Wendell Ramos, Pekto, Sunshine Dizon, Gladys Reyes, Sherilyn Reyes, Francine Prieto at si Keempee de Leon, sa kakaibang role bilang bakla. Makikigulo rin sina Chynna Ortaleza, Tiya Pusit at ang StarStruck kids na sina Gabriel at Bea.

* * * Salve V. Asis’ e-mail - [email protected]

vuukle comment

ALING TEYSI

NAMAN

NIYA

NIYANG

PERO

SHOW

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with