Gaano kaya katotoo ang balitang nakarating sa amin na ipinatatanggal diumano ng
MMDA ang nagkalat na mga billboards ng sexy star-turned TV host na si
Juliana Palermo sa kahabaan ng EDSA na may kinalaman sa kanyang sexy at controversial TV program na
Secrets na napapanood sa
ABC-5 tuwing Martes ng gabi? Dahil sa mga sexy poster-billboards ni Juliana, nakaka-distract umano ito sa daloy ng trapiko along EDSA at baka maging cause pa umano ito ng aksidente. Pero wala umanong balak ang ABC-5 (producer ng show ni Juliana) na tanggalin ang mga sexy banners ni Juliana sa EDSA dahil hindi naman umano ito malaswa lalupat kuha ito ng magaling na photographer na si
Xander Angeles. Samantala, natutuwa kami para kay
JM Rodriguez dahil meron na itong sariling TV program ngayon sa
ABC-5 na pinamagatang
Three Blind Dates na napapanood din tuwing Martes, 7:00 NG. Isa itong dating show na kakaiba ang presentation. Si JM ay hindi lamang isang mahusay na TV host kundi isa ring magaling na mang-aawit.
Ang kauna-unahang
Golden Screen (Entertainment TV) Awards ng
ENPRESS o
Entertainment Press Society, Inc. ay gaganapin sa AFP Theater sa darating na September 25 (Sabado) sa ganap na ika-7 ng gabi na ihu-host ng Concert King na si
Martin Nievera na siya ring magbubukas ng programa sa pamamagitan ng isang powerful song number.
Ang Golden Screen (Entertainment TV) Awards ay magbibigay pugay sa pagkakatuklas ng telebisyon. Ang tema ng gabi ay
Celebriting the 77th Year of Television in the World. Ang comedy king na si
Dolphy ang siyang magiging Trivia host na may kinalaman sa telebisyon. Dalawamput walo ang mga major awards na ipamimigay bukod pa sa dalawang special awards, ang
The Helen Vela Lifetime Achievement Award at ang
Special Citation for TV News Coverage. Ang
Helen Vela Lifetime Achievement Award ay ibibigay sa tatlong personalidad na nakagawa ng marka sa ibat ibang fields ng telebisyon at ang mga ito ay sina
Nora Aunor (drama),
Harry Gasser (news broadcasting) at
Joey de Leon (comedy). Hindi naman magkakatampuhan ang dalawang higanteng TV networks, ang
ABS-CBN at
GMA-7 dahil pareho silang tatanggap ng special citation dahil sa kanilang walang takot na pag-cover sa
2004 May Elections at ang pagkakabihag sa Iraq ni
Angelo de la Cruz.
Aminado si
Dino Guevarra na malaking factor ang kanyang pagkakapanalo sa
30 Days dahil nabigyan ng panibagong sigla ang kanyang career na apat na taon ding nanahimik. Bukod sa kanyang P300,000 cash prize, may build-up contract siya ngayon sa
GMA at may tatlo na siyang regular programs kaagad, ang
SOP, Joyride at ang bagong magsisimulang sitcom, ang
Bahay Mo BaTo? at may isa pang upcoming." Ang buong akala ko noon ay tuloy-tuloy na pagiging inactive ko sa showbiz dahil wala talagang mga projects na dumarating kaya nag-concentrate na lamang ako sa buy-and-sell ng mga sasakyan para mabuhay ko ang aking pamilya," kwento niya.
Si Dino ay dating miyembro ng
Abstract Dancers na pinagmulan din nina
Dingdong Dantes at
Sherwin Ordonez at naging contract star din siya ng
Viva Films. Sa edad na 19 ay naging ama si Dino ng dalawang batang lalaki sa kanyang dating non-showbiz girlfriend. Ang kanyang panganay na anak na si
Ethan Brian Ross (5) ay nasa pangangalaga nila ng misis niyang si
Kim de los Santos habang ang pangalawa at bunso niyang anak na si
Miguel Ross (4) ay nasa ina naman nito.
Pitong taon na ring nagsasama bilang mag-asawa sina Dino at Kim pero nung July 10, 2002 lamang sila nagpakasal. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakaanak dahil may thyroid si Kim at ito rin ang dahilan sa patuloy na pagtaba ng huli. Pero determinado si Kim na pumayat kaya panay umano ang paggi-gym nito.