Lahat ng ito ay ginagawa ng ABS-CBN para suportahan ang maaksyong ending ng Bastat Kasama Kita, ang nag-iisang action-drama teleserye sa telebisyon.
Dahil dito, hindi lang basta-basta ang ending ng Bastat Kasama Kita magiging television event din ang episode na ito, dahil ang huling eksena ng Bastat Kasama Kita ay itatanghal ng live sa Luneta Park, pagkatapos ng isang motorcade sa Metro Manila ngayong hapon. At upang makapanood din ang mga kapamilya na nasa National Park, magtatayo rin ng isang ispesyal na wide screen projection system ang ABS-CBN sa Luneta para makita ng lahat ang buong huling episode ng Bastat Kasama Kita.
Magtatapos din ang isa sa pinakamalakas na teleserye ng ABS-CBN. Nakakuha ito ng rating na 45.6% sa Mega Manila at 47.3% sa Metro Manila sa unang airing day pa lamang. At hindi rin kumupas ang kapit nito sa manonood sa ratings mula July at August 2004, nag-average ng 36.5% rating ang teleseryeng ito. Lumalakas din ang ratings ng show ngayong patapos na ang kwento nito 38% ang average ng July to August, with a high of 41.30% on August 12.
Samahan sina Robin Padilla at Judy Ann Santos sa isang "broadcasting first" sa pagsasara ng Bastat Kasama Kita.