Inalok ng soap opera ng ABS-CBN si Jolina

Nakatabi namin si Mr. Jun Magdangal sa anniversary party ng Fanatxt na ginawa sa Tavern on the Square noong August 31. Nalaman namin sa daddy ni Jolina Magdangal na ang singer-actress ang unang pinapirma ng Fanatxt para maka-textmate ng fans at sa lakas nang paghatak nito’y umabot sa 140, 000 ang subscribers ng mobile service na nagpapasaya sa fans.

Kay Mr. Magdangal din namin nalamang sa October 4 na magsisimula ang Wave 2 ng StarStruck na sina Jolina at Dingdong Dantes na ang magho-host. Naisip tuloy namin na kaya nag-audition sa Darna si Nancy Castiglione dahil hindi na siya ang co-host sa StarStruck.

Kung natuloy pala ang movie project na in-offer ng Star Cinema, sasaya ang fans nina Jolina at Marvin Agustin. Pumayag si Mr. Magdangal na ibalik ang tambalan ng dalawa, nagka-problema lang nang hilingin ng ABS-CBN na gumawa rin sa kanila ng soap opera si Jolina. Bukod sa commitment sa GMA-7, sinabi ni Mr. Magdangal kung bakit hindi niya tinanggap ang offer ng network but, we decided not to write it anymore at baka pagmulan ng gulo.

At the same time, itinanggi ni Mr. Magdangal ang tsikang kaya lalong gumanda si Jolina ngayon dahil nagpalaki ng mga mata at pinatambok ang pisngi. "Hindi totoo ‘yan," with matching iling ang reaction ng daddy ni Jolina nang aming tanungin tungkol sa kumakalat na tsismis.
* * *
Nakita namin sa presscon/launching ng self-titled CD album ni Rainier Castillo sa Universal Records ang manager nitong si Tom Adrales na manager din ni Alvin Aragon. Kinumusta namin kay Tom ang pag-aaral ni Alvin sa Distance Learning Center.

"Okey naman, second year high school siya. Maganda nga at kahit GMA Artist siya’y tinanggap pa rin siya sa school ng ABS-CBN talents. ‘Yun na lang kasi ang school na puwedeng tumanggap sa kanya," ayon kay Tom.

Natawa ang manager nang tanungin namin sa ginawa ni Alvin nang pumasok sa outlet ng Oxygen sa Robinson’s Galleria. Nagsumbong ang mga sales clerk sa kaibigan nilang reporter sa pinaggagawa ni Alvin habang nasa tindahan. Pinintasan daw ang naka-display na merchandise at nagalit nang hindi naibigay ang hininging style and color.

"Hindi lang ‘yun, ikinumpara pa ang Oxygen sa No Fear na kanyang ini-endorse," dagdag na impormasyon ni Tom.

Si Dion Ignacio na kasama that time ni Alvin ang nag-sorry sa mga na-offend na sales clerk. Si Dion din ang bumili ng six t-shirts at si Alvin ay lumabas ng tindahan na walang nabili’t wala ngang nagustuhan. – Nitz Miralles

Show comments